Skip to main content

Ang Stress at ang Iyong Kalusugan

Pamilyar na salita ang stress para sa ating lahat. Nakakaranas tayo ng stress sa tuwing may aksidente o emergency, pero madalas din itong mangyari sa mga pang-araw-araw nating buhay.

Puwedeng lumikha ng stress ang pagsisikap na balansehin ang trabaho, mga anak, at mga relasyon. Mahirap manatiling kalmado at relaxed kapag masyadong hectic ang buhay. Puwedeng makapinsala sa katawan ang sobrang stress. Puwede itong maging sanhi ng maliit na problema, gaya ng bahagyang sakit ng ulo. Puwede rin itong magdulot ng mas malalang problemang pangkalusugan, gaya ng depresyon o altapresyon.

Ilang Praktikal na Paraan para Mabawasan ang Stress:

  • Regular na mag-ehersisyo. Nakakawala ito ng tensyon at napapaganda nito ang iyong mood.
  • Kumain ng mas maraming malulusog na pagkain, kabilang ang mga prutas at gulay, whole grains at mga protina.
  • Matulog nang sapat.
  • Subukang mag-yoga sa bahay o sa isang class.
  • Maglakad araw-araw.
  • Maglaan ng oras para sa iyong sarili, kahit gaano ka man ka-busy. Halimbawa, tawagan ang isang kaibigan. O humanap ng hobby na mae-enjoy mo.
  • Dahan-dahang huminga nang malalim, ilang beses kada araw.

Ang isa pang paraan para makatulong na makontrol ang stress ay ang taunang pagpapatingin. Mainam ang pagpapatingin para matiyak na hindi nakakaapekto ang stress sa iyong kalusugan. Tawagan ang iyong primary physician ngayon para mag-set up ng appointment.

Bisitahin ang WebMD para sa karagdagang impormasyon.

Makipag-ugnayan sa Amin

Kailangan ng tulong? Narito kami para sa iyo.

Makipag-ugnayan sa Amin
Huling Na-update Noong: 12/4/2020
On Feb. 21, 2024, Change Healthcare experienced a cyber security incident. Any individuals impacted by this incident will receive a letter in the mail. Learn more about this from Change Healthcare, or reach out to the contact center at 1-866-262-5342. ×