Paggamit ng Tabako: Alamin ang Iyong Peligro
Sa paglipas ng panahon, puwedeng magdulot ng mga problemang pangkalusugan ang mga hinihithit at hindi hinihithit na produktong tabako. Lampas 7,000 kemikal ang nare-release kapag naninigarilyo. Pitumpu ang kilalang nagdudulot ng cancer. Ang tabakong hindi hinihithit ay naglalaman ng hindi bababa sa 30 sa mga naturang kemikal na puwedeng magdulot ng cancer. Bukod pa sa cancer, ang paggamit ng tabako ay puwedeng makapagdulot ng mga sumusunod:
- Mga pamumuo ng dugo o blood clot
- Coronary Artery Disease
- Mahinang supply ng dugo
- Erectile dysfunction
- Pagkasira ng gilagid at ngipin
- Mahinang panlasa at pang-amoy
- Atake sa puso at sakit sa puso
- Pagkasira ng baga
- Sudden infant death syndrome
Mga E-Cigarette at Vaping
Nag-aalok ang mga produktong ito ng alternatibo sa mga tradisyonal na produktong tabako. Bago pa lang ang mga ito sa merkado. Marami pang dapat pag-aralan. Hindi pa natin alam ang mga pangmatagalang isyung pangkalusugan na dulot ng paggamit ng mga E-cigarette/vape. Mahalagang malaman ang mga katotohanan tungkol sa mga produktong tabakong ito. Ang paggamit sa alinman sa mga produktong ito ay may mga peligro. Puwedeng makasama sa sinuman ang paggamit sa mga ito. Pero, mas mataas ang peligro para sa mga estudyante sa high school. Halos dalawampung porsyento na ng lahat ng estudyante sa high school ang gumagamit ng vape. Naglalaman ng nicotine ang mga produktong ito. Masama ang nicotine sa nagde-develop na utak.
Posibleng sinimulan mo nang gamitin ang mga produktong ito para makatulong sa iyong huminto sa paninigarilyo. O puwedeng gumagamit ka na ng mga E-cigarette/vape. Anuman ang sitwasyon mo, narito kami para tulungan kang huminto.Ang Hamon ng Paghinto sa Paggamit
Nauunawaan namin kung gaano kahirap huminto. Puwedeng magdulot ng withdrawal ang paghinto. Ang pinakamatitinding sintomas ng withdrawal ay karaniwang tumatagal nang wala pang dalawang linggo. Ang nicotine ang pangunahing dahilan ng withdrawal. May adiksyon sa nicotine ang humigit-kumulang 80-90% ng mga tao na regular na naninigarilyo o nagve-vape.
Pagkatapos huminto, puwede kang makaranas ng mga trigger. Sa pamamagitan ng mga ito, puwede mong gustuhing gumamit ng tabako o vape. Sa pag-alam sa iyong mga trigger, makakatulong ito sa iyo na kontrolin ang mga ito. Puwedeng makapag-trigger ng mga craving ang iba't ibang emosyon. Puwede kang ma-trigger ng pagsunod sa ilang partikular na pattern, o kapag nasa isa kang social na sitwasyon. Isa rin itong sintomas ng withdrawal.Mga Emosyonal na Trigger
Puwede kang ma-trigger ng mga emosyong nararanasan mo. Puwedeng naramdaman mo ang mga emosyong ito habang gumagamit ng tabako o vape. Kabilang sa mga emosyong ito ang mga sumusunod:
- Nase-stress
- Nababalisa
- Nae-excite
- Naiinip
- Malungkot
- Masaya
- Nag-iisa
- Kontento
Mga Pattern na Trigger
Ang iba't ibang aktibidad na ginagawa mo bilang bahagi ng iyong nakasanayan ay puwedeng mag-trigger sa iyo na gumamit ng tabako o vape, gaya ng mga sumusunod:
- Pakikipag-usap sa telepono
- Pag-inom ng alak
- Panonood ng TV
- Pagmamaneho
- Pagkatapos kumain
- Habang umiinom ng kape
- Kapag naka-break sa trabaho
- Pagkatapos makipagtalik
- Bago matulog
Mga Social na Trigger
Nagkakaroon ng mga social na trigger kapag nasa isa kang sitwasyon kasama ang ibang taong gumagamit ng tabako o vape, gaya ng mga sumusunod:
- Kapag nasa bar
- Kapag nasa party o iba pang social event
- Kapag nasa concert
- Kapag nakakita ng naninigarilyo
- Kapag kasama ang mga kaibigang naninigarilyo
- Kapag nagdiriwang ng isang malaking event
Mga Withdrawal na Trigger
Kung matagal ka nang gumagamit ng tabako o vape, sanay na ang katawan mo na tumanggap ng nicotine. Kabilang sa mga sintomas ng withdrawal ang mga craving, gaya ng mga sumusunod:
- Kapag nagke-crave sa lasa ng tabako (sigarilyo, vapor, nganga, atbp.)
- Kapag nakaamoy ng usok ng sigarilyo, vapor, o nganga
- Kapag hawak mismo ang pakete o tabako
- Kapag kailangang may gawin ang iyong mga kamay o bibig
- Hindi mapakali, o iba pang sintomas ng withdrawal
Hindi mo ito kailangang labanan nang mag-isa. Hayaan mong tulungan ka namin. Kung interesado kang huminto sa paggamit ng tabako. Tumawag sa 1-866-635-7045.
Mga Karagdagang Resource:
Para malaman kung saan hihingi ng tulong sa iyong lugar, tawagan ang American Cancer Society nang libre: 1-877-44U-QUIT