Ang colorectal cancer ay ang cancer sa colon o rectum. Puwedeng polyp ang mga cancer na ito. Ang polyp ay isang abnormal na paglaki ng tissue sa katawan na puwedeng maging cancer. Sa colon lumalaki ang mga ito. Pagkatapos, kumakalat ito sa iba pang bahagi ng katawan gaya ng atay o mga bato.
Makakatulong ang mga regular na pagpapatingin para makahanap ng mga polyp bago pa maging cancerous ang mga ito. May iba't ibang paraan ng paghahanap ng mga polyp. Alam ng doktor mo kung alin ang pinakamainam para sa iyo. Ang pinakamadaling pagsusuri ay tinatawag na Fecal Immunochemical Test (FIT). Sa FIT, sinusuri ang mga sample ng iyong dumi. Sa karamihan ng mga ganitong klase ng mga pagsusuri, dugo sa dumi ang hinahanap ng mga ito. Puwedeng maisagawa ang pagsusuring ito sa bahay nang mabilis at madali. Baka kailangan mo itong gawin kada taon. Kung positibo ang resulta ng pagsusuri, kakailanganin mong sumailalim sa colonoscopy. Sa pagsusuri, may ipapasok na camera sa colon. Sa pamamagitan nito, makikita ng doktor kung may mga polyp. Kung may makikitang polyp, maaalis at mapapasuri agad ng doktor ang mga ito para malaman kung cancerous ang mga ito. Kakailanganin mo lang sumailalim sa pagsusuring ito kada 10 taon. Ito ang pinakamahusay na pagsusuri para humanap ng mga polyp.
Kapag 45 taong gulang ka na, dapat mo nang simulan ang mga regular na pagsusuri para sa colon cancer. Saklaw ng mga planong pangkalusugan sa WellCare ang mga pagsusuring ito, at hindi ka sisingilin para sa mga ito. Magkatuwang ang WellCare at ang American Cancer Society (ACS). Gusto naming mapataas ang dami ng nagpapasuri para sa colon cancer sa buong US. May programa ang ACS 80% kung saan target na maabot ang 80% rate ng pagpapasuri para sa colon cancer sa bawat county sa US. Tulungan kaming maabot ang target na ito. Magpasuri ng colon kapag inirekomenda ito ng iyong doktor.
Kung sa tingin mo ay mataas ang peligro mong magkaroon ng colorectal cancer, makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa mga sumusunod:
- Kung kailan magsisimula sa pagpapasuri
- Aling pagsusuri ang tama para sa iyo
- Gaano kadalas magpapasuri.
Mga Source: