Ang Taunang Wellness Visit ay ang taunang appointment sa iyong primary care provider (PCP). Para ito sa paggawa o pag-update ng iyong plano para sa personal na wellness. Posibleng makatulong ang planong ito para makaiwas sa sakit. Tandaan na ang wellness visit na ito ay hindi pagsusuri sa katawan mula ulo hanggang paa. Saklaw ng iyong planong pangkalusugan ang mga taunang wellness visit at hindi ka sisingilin para sa mga ito.
Puwedeng mag-alok ang iyong provider ng mga virtual o telehealth na opsyon. Puwedeng isagawa ang mga virtual na pagbisitang ito sa iyong bahay. Nagbibigay-daan ito sa iyong makapagdesisyon sa paraang pinakaligtas para sa iyo at sa iyong pamilya.
Sino ang puwedeng magsagawa ng Taunang Wellness Visit?
Kasama sa mga PCP na nagsasagawa ng mga pagbisitang ito ay ang mga sumusunod:
- Mga doktor
- Mga nurse practitioner
- Mga physician assistant
- Mga clinical nurse specialist
- Iba pang propesyonal sa kalusugan
Ano ang telehealth na pagbisita? Ang mga virtual na pagbisitang ito ay:
- Isang appointment sa iyong PCP
- Isinasagawa gamit ang mikropono at/o camera sa iyong mobile device, computer, o tablet
- Magandang paraan para masubaybayan ang iyong kalusugan at well-being
Ano ang dapat mong dalhin sa pagbisita?
Dapat mong dalhin ang mga sumusunod:
- Ang nakumpleto mong Pagsusuri sa Peligrong Pangkalusugan o Health Risk Assessment
- Isang kumpletong listahan ng iyong mga gamot (kabilang dito ang mga bitamina at over-the-counter na gamot)
- Puwede mo ring dalhin ang mga bote ng iyong medikasyon para matingnan ito ng doktor
- Isang listahan ng unang dalawa o tatlong alalahanin o tanong mo para sa doktor
- Sabihin sa iyong doktor kung may mga alalahanin ka tungkol sa iyong memorya o kung mayroon kang pangmatagalan o chronic na kondisyong pangkalusugan (gaya ng diabetes, sakit sa puso, o depresyon)
- Para mapawi ang anumang pag-aalala, puwede kang magpasama sa isang kamag-anak o kaibigan sa iyong appointment
Ano ang Aasahan
Sa una mong Taunang Wellness Visit, bubuuin ng iyong primary care provider ang iyong plano para sa personal na wellness bukod pa sa posibleng pagsasagawa ng mga sumusunod:
- Tingnan ang iyong taas, timbang, presyon ng dugo, at iba pang karaniwang pagsusukat
- Suriin ang mga salik na peligrong pangkalusugan gaya ng mga peligro sa injury, mga behavioral na peligro, at mga agarang pangangailangang pangkalusugan
- Suriin ang iyong functional na kakayahan at antas ng pagiging ligtas
- Posibleng kabilang dito ang pagsusuri para sa mga problema sa pandinig at ang peligro mong matumba
- Dapat ding suriin ng iyong primary care provider ang kakayahan mong magsagawa ng mga aktibidad sa pang-araw-araw na pamumuhay (gaya ng paliligo at pagbibihis)
- Pag-usapan ang medikal na history ng iyong pamilya at ang history ng iyong kalusugan sa pag-iisip
- Gumawa ng listahan ng mga kasalukuyan mong provider at gamot na kinabibilangan ng mga inireresetang gamot at supplement
- Pagsusuri ng kalusugan sa pag-iisip
- Magbigay ng mga pangkalusugang referral sa mga serbisyo para sa edukasyong pangkalusugan at/o pang-agap na pagpapayo gaya ng kung paano hihinto sa paninigarilyo
- Mag-set up ng mga karagdagang appointment o pagbisita para magsagawa ng iba pang serbisyo na posibleng kinakailangan dahil sa edad o kasarian:
- Mga pagsusuri sa cancer gaya ng mammogram, pagsusuri sa colon, o density ng buto
- Mga order para sa lab work para kontrolin ang mga pangmatagalan o chronic na kondisyon gaya ng hika o diabetes