Skip to main content

Patakaran sa Paglipat

Patakaran sa Transisyon sa Gamot

Kung ang gamot na iniinom mo ay wala sa Listahan ng Mga Gamot (Pormularyo)* o kung may paghihigpit ito, narito ang mga bagay na puwede mong gawin:

  • In some cases, you may be able to get a temporary supply of the drug (more information below). The temporary supply will give you and your doctor time to change to another drug or to file a request to have the drug covered.
  • Puwede kayong lumipat sa ibang gamot na nasa Listahan ng Mga Gamot (Pormularyo).*
  • Puwede kang humiling ng pagbubukod** at hilingin sa amin na saklawin ang gamot o alisin ang mga paghihigpit sa gamot.

Sa ilang pagkakataon at alinsunod sa mga patakaran ng CMS, dapat kaming mag-alok sa iyo ng pansamantalang supply ng iyong gamot. Makakatulong sa iyo ang pansamantalang supply para sa agaran mong pangangailangan. Bibigyan ka rin nito ng oras para mapag-usapan ninyo ng doktor mo ang tungkol sa pagbabago ng dosis o iba pang gamot na saklaw namin, o para maghain ng kahilingan sa pagbubukod.

Para makatanggap ng pansamantalang supply, dapat mong matugunan PAREHO ang dalawang patakaran sa ibaba:

1.     Ang gamot na iniinom mo:

  • Wala sa aming listahan ng mga gamot O
  • Mayroon nang limitasyon

(Chapter 5 in your Evidence of Coverage has more information.)

AT

2.     You are in one of the following situations:

For Medicare Part D drugs:

Bago ka sa plano o nasa plano ka noong nakaraang taon.

  • Sasaklaw kami ng pansamantalang supply ng iyong gamot sa unang 90 araw ng iyong membership sa plano kung bago ka at sa unang 90 araw ng taon ng kalendaryo kung nasa plano ka noong nakaraang taon at natanggap mo ang gamot sa loob ng nakalipas na 180 araw.
  • Ang pansamantalang supply na ito ay para sa hanggang 30 araw sa isang retail na parmasya at 31 araw sa isang parmasya ng pangmatagalang pangangalaga.
  • Kung ang reseta sa iyo ay para sa mas kaunting bilang ng araw, papayagan namin ang maraming pagkuha para makapagbigay ng hanggang 30 araw na supply ng gamot sa isang retail na parmasya, at 31 araw na supply ng gamot sa isang parmasya ng pangmatagalang pangangalaga. Puwede mong kunin ang mga reseta mong gamot sa isang parmasyang nasa network. (Pakitandaang posibleng paunti-unting ibigay ng parmasya para sa pangmatagalang pangangalaga ang iyong inireresetang gamot para maiwasan ang pag-aaksaya.)

Nakatira ka sa isang pasilidad para sa pangmatagalang pangangalaga at kailangan mo na agad ng supply.

  • Sasaklawin namin ang isang 31 araw na supply, o mas kaunti kung ang iyong reseta ay para sa mas kaunting bilang ng araw. Karagdagan ito sa seksyon sa itaas.

Your Level of Care Changes:

Kung magbabago ang iyong antas ng pangangalaga, may sasaklawin kaming pansamantalang supply ng iyong mga gamot. Nagkakaroon ng pagbabago sa antas ng pangangalaga kapag nailabas ka na sa isang ospital.  Nangyayari din ito kapag pumasok o umalis ka sa isang pasilidad para sa pangmatagalang pangangalaga.

Lilipat ka mula sa isang pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga, o mula sa ospital patungo sa bahay, at nangangailangan ng pansamantalang supply sa lalong madaling panahon:

  • Sasaklawin namin ang isang 30 araw na supply, o mas kaunti kung ang inyong reseta ay para sa mas kaunting bilang ng araw. Sa ganitong sitwasyon, papayagan namin ang pagkuha para sa hanggang 30 araw sa kabuuan.

Lilipat ka mula sa bahay o ospital patungo sa pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga at nangangailangan ng pansamantalang supply sa lalong madaling panahon:

  • We will cover one 30-day supply, or less if your prescription is written for fewer days. In this case, we will allow refills up to a total of 30 days. 

To ask for a temporary supply of a drug, Contact Us.

Pagkatapos mong makuha ang iyong pansamantalang supply

Sa loob ng tatlong araw ng negosyo pagkatapos mong matanggap ang iyong pansamantalang supply, makakatanggap ka at ang iyong doktor ng sulat na nagpapaliwanag kung ano ang susunod na gagawin. Dapat kang makipag-usap sa iyong doktor para mapagpasyahan kung ano ang dapat gawin bago maubos ang supply mo. Magagawa mo ang sumusunod:

  • Pagpapalit ng gamot. Posibleng may iba pa kaming gamot sa Listahan ng Mga Gamot (Pormularyo)* na puwedeng mabisa sa iyo. Puwede kang Makipag-ugnayan sa Amin para hingiin ang listahang ito. Ibahagi ito sa iyong doktor para pagpasyahan kung may epektibong alternatibong gamot.
  • Humiling ng pagbubukod. Puwede kayo o ang inyong doktor na humiling sa amin ng pagbubukod** o magsumite ng kahilingan para sa pagpapasya sa pagsaklaw.** Halimbawa, puwede ninyong hilingin sa amin na saklawin ang isang gamot kahit wala ito sa aming listahan ng mga gamot. O puwede ninyong hilingin sa amin na saklawin ang gamot nang walang limitasyon. 

*You can access the Drug (Formulary) Search Tool page in the sidebar navigation. Or, you can find Drug List (Formulary) documents in the sidebar navigation (within the Pharmacy section)

**You can find more information about Exceptions or Coverage Decisions and Appeals in the sidebar navigation (within the Coverage Information section)

For more information, please refer to your Evidence of Coverage or if you have questions, please Contact Us.


Icon ng Makipag-ugnayan sa Amin

Kailangan ng tulong? Narito kami para sa iyo.

Makipag-ugnayan sa Amin
Y0020_WCM_164006E_M Last Updated On: 10/1/2024