Skip to main content

Ano ang Dapat Mong Malaman Tungkol sa Cholesterol

Puwedeng magdulot ng sakit sa puso ang sobrang cholesterol. Pero hindi pa huli ang lahat, at hindi rin naman masyadong maaga, para pamahalaan ang mga antas ng cholesterol mo.

Makipag-usap sa iyong doktor para magpasuri. Itanong rin ang mga paraan kung paano aalagaan ang iyong puso at kung paano mamumuhay nang mas malusog.

Ang Mga Impormasyon.

Ang cholesterol ay malambot na waxy na substance sa iyong dugo. Ginagamit ito para bumuo ng mga bagong cell at para tumunaw ng pagkain. Nakabubuti ang ilan. Pero nakasasama ang sobra.

T: Saan nagmumula ang cholesterol?
S: Ang ilan sa mga ito ay nagmumula sa mga pagkain gaya ng whole milk, keso, karne, at mantikilya. Puwedeng may kinalaman din ang heredity (genes). Halimbawa, kung kasalukuyang mataas o dating naging mataas ang cholesterol ng iyong mga kamag-anak, puwedeng mas mataas ang posibilidad mo.

T: Ano ang iba't ibang uri ng cholesterol?
S: Ang iba't ibang uri ay:

  • TC (total cholesterol): Ang kabuuang dami ng lahat ng cholesterol sa iyong dugo — kung mas mataas ito, mas malaki ang peligro mo sa sakit sa puso
  • LDL cholesterol: Kilala bilang “bad” cholesterol, idinidikit ng LDL ang sarili nito sa mga gilid ng daluyan ng iyong dugo, na nagdudulot ng pagbabara na puwedeng magdulot ng sakit sa puso o stroke
  • HDL cholesterol: Kilala bilang “good” cholesterol, inaalis ng HDL ang LDL cholesterol
  • TG (triglycerides): Ang storage form ng katawan para sa fat

Ehersisyo: Kaya Mo ‘Yan.

Makakatulong ang regular na pag-eehersisyo. Pinapataas nito ang “good” (HDL) at pinapababa ang “bad” (LDL). Subukang magkaroon ng 20 minutong katamtamang aktibidad nang tatlong araw kada linggo.

Mga Tip para Maging Mas Aktibo:

  • Magsimula nang dahan-dahan. Pagkatapos ay unti-unting dagdagan ang haba at hirap ng mga aktibidad.
  • Pumili ng masasayang aktibidad. Gawin itong iba-iba para hindi ka mainip.
  • Maglakad nang madalas hangga't maaari. Pumarada nang mas malayo o gumamit ng hagdan sa halip na elevator.
  • Mag-vacuum o gumawa ng mga gawain sa bakuran. Pag-eehersisyo rin ang mga ito at ang iba pang gawain sa bahay!

Tandaang itanong sa iyong doktor kung ano ang tamang ehersisyo para sa iyo.

Ilang Tip para sa Malusog na Pagkain.

Mga Pagkaing Mainam Kainin:

  • Mga whole-grain na cereal
  • Mga sariwang prutas at gulay
  • Isda
  • Manok
  • Mga prutas at gulay
  • Mga walang asin na pretzel
  • Low-fat na microwave popcorn
  • Mga juice, sorbet, nonfat na yogurt
  • Piliin ang mga pagkaing broiled o baked, hindi prito
  • Iwasan ang makekremang salad dressing
  • Humingi ng kasamang sauce o gravy para maiwasan ang masyadong maraming pagkain.

Mga Medikasyong Kailangan Mong Malaman.

Kahit na baguhin mo ang iyong diyeta at ang mga gawi mo sa pag-eehersisyo, posibleng kailangan mo nang uminom ng gamot. Maraming available na gamot na makakatulong sa iyong makatipid ng pera at mapababa ang mga antas ng cholesterol, gaya ng mga sumusunod:

  • Simvastatin
  • Lofibra® o Fenofibrate
  • Gemfibrozil

Mahalagang Ipasuri ang iyong Cholesterol.

Makipag-usap sa iyong doktor para malaman kung gaano ka kadalas dapat magpasuri, at kung ano ang mga hakbang na puwede mong gawin para mapaganda ang mga antas ng cholesterol mo.

KABUUANG CHOLESTEROL
Katanggap-tanggap.......................Wala pang 200 mg/dL
Malapit na sa Mataas............200–239 mg/dL
Mataas..............................240 mg/dL pataas

LDL CHOLESTEROL
Tandaan: Kung mas mababa ang LDL, mas maganda!
Pinakamainam..........................Wala pang 100 mg/dL
Malapit na sa Mainam.................100–129 mg/dL
Malapit na sa Mataas.............130–159 mg/dL
Mataas...............................160–189 mg/dL
Napakataas......................190 mg/dL pataas

HDL CHOLESTEROL
Tandaan: Kung mas mataas ang HDL, mas maganda!
Mababa.................................40 mg/dL
Mataas................................60 mg/dL pataas

Source: National Cholesterol Education Program (NCEP)

Bisitahin ang WebMD para sa mga dagdag na impormasyon.

 

Icon ng Makipag-ugnayan sa Amin

Kailangan ng tulong? Narito kami para sa iyo.

Makipag-ugnayan sa Amin
Huling Na-update Noong: 12/4/2020