Skip to main content

Paano Kokontrolin ang Hika

Ang hika ay isang pangmatagalang sakit sa baga. Puwede itong magdulot ng mga episode ng pag-ubo, agahas (paghinga nang may tunog), paninikip ng dibdib, at kakapusan sa paghinga. Puwedeng banayad o malala ang mga sintomas. Minsan, puwedeng nakamamatay ang mga ito. Gaya ng lahat ng pangmatagalan o chronic na sakit, hindi magagamot ang hika. Gayunpaman, sa karamihan ng mga kaso, madaling kontrolin ang hika. Puwedeng magkaroon ng hika ang sinuman, anuman ang kanyang edad, pinagmulang pamilya, lahi, kasarian, o pangkalahatang kalusugan.

What is an asthma action plan?

Inirerekomendang magkaroon ng Action Plan para sa Hika ang mga taong may hika. Makipagtulungan sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan para gumawa ng planong epektibo para sa iyo. Idinisenyo ito para maiwasan at makontrol ang mga atake ng iyong hika. Tiyaking isama ang tatlong zone na ginawa ng National Institutes of Health external icon sa iyong plano:

Green:

  • Wala talaga akong ubo, agahas (maingay na paghinga), paninikip ng dibdib, o hirap sa paghinga
  • Puwede kong gawin ang lahat ng bagay na karaniwan kong ginagawa

Dilaw:

  • May kaunti akong ubo, agahas (maingay na paghinga), paninikip ng dibdib, o hirap sa paghinga, o
  • Nagigising ako sa gabi dahil sa aking hika, o
  • Hindi ko magawa ang ilang bagay na karaniwan kong ginagawa

Pula:

  • Hindi tumatalab ang aking mga gamot para sa mabilis na ginhawa, o
  • Wala akong magawang alinmang bagay na karaniwan kong ginagawa, o
  • Nasa dilaw ako na zone sa loob ng 24 na oras at hindi bumubuti ang aking lagay, o
  • Kapag gumamit ako ng peak flow meter, ang peak flow* ko ay wala pang kalahati ng pinakamaganda kong peak flow

How do I know if I'm having an asthma attack?

Puwedeng may ubo, paninikip ng dibdib, agahas (paghinga nang may tunog), at problema sa paghinga ang isang taong inaatake ng hika. Nangyayari ang pag-atake sa daanan ng hangin ng iyong katawan. Ang mga daanan ng hangin na ito ang mga daluyan ng hangin papunta sa iyong mga baga. Habang gumagalaw ang hangin sa iyong mga baga, paliit nang paliit ang mga daanan ng hangin. Habang inaatake ka ng hika, namamaga ang mga gilid ng mga daanan ng hangin sa iyong mga baga at kumikipot ang mga daanan ng hangin. Mas kaunting hangin ang pumapasok at lumalabas sa iyong mga baga. Pagkatapos, babara sa mga daanan ng hangin ang mucous na ginagawa ng iyong katawan.

What causes an asthma attack?

Puwede kang atakihin ng hika kapag na-expose ka sa “mga trigger ng hika.” Puwedeng ibang iba ang mga trigger ng iyong hika sa mga trigger ng hika ng iba. Alamin ang iyong mga trigger. Sa ganito mo matututunan kung paano maiiwasan ang mga ito. Bantayan ang atake kung hindi mo maiiwasan ang iyong mga trigger. Ang ilan sa mga pinakakaraniwang trigger ay ang mga sumusunod:

  • Usok mula sa tabako
  • Mga dust mite
  • Polusyon sa hangin sa labas
  • Allergen mula sa ipis
  • Mga alagang hayop
  • Amag o mold
  • Usok mula sa nagliliyab na kahoy o damo
  • Mga impeksyon gaya ng trangkaso

What can you do to manage symptoms?

  1. Bumuo ng iyong Action Plan para sa Hika at sundin ito, kahit na wala kang senyales at sintomas sa kasalukuyan
  2. Iwasan ang mga trigger na nagpapalala sa mga sintomas ng iyong hika
  3. Makipag-usap sa iyong doktor kung mas marami kang sintomas kaysa sa karaniwan o kung mas madalas mong kailanganin ang iyong pang-rescue na gamot

What if I have concerns about my asthma?

  1. Mag-iskedyul ng appointment sa iyong PCP para pag-usapan ang mga problema o alalahanin
  2. Tingnan ang iyong Action Plan para sa Hika. Ipapakita nito sa iyo kung aling gamot ang kailangang inumin at kung kailan
  3. Inumin ang iyong pang-rescue na gamot sa sandaling makaramdam ka ng mga sintomas. Mapipigilan nito ang paglala ng iyong mga sintomas

Huwag Hayaang Makaapekto sa Iyong Anak ang Hika

Puwedeng makaapekto ang hika sa pang-araw-araw na buhay ng isang bata. Puwedeng maging mas maikli ang mga pang-araw-araw na aktibidad, gaya ng paglalaro sa labas kasama ang mga kaibigan. Mahalagang isagawa ang mga hakbang na nakabalangkas sa plano ng pagkilos para sa hika ng iyong anak.

Learn more from the Kidtastics about how to stay active if you have asthma.

An action plan may help prevent asthma attacks. Your plan can save your life.

Icon ng Makipag-ugnayan sa Amin

Kailangan ng tulong? Narito kami para sa iyo.

Makipag-ugnayan sa Amin
Huling Na-update Noong: 12/4/2020