Skip to main content

Tulungan ang Iyong Pamilya na Magbawas ng Timbang

Parami na nang parami ang sumosobra sa timbang. Kung sa tingin mo ay sobra ka sa timbang, o sobra sa timbang ang iyong anak o isang miyembro ng pamilya, makipag-usap sa iyong primary care provider (PCP). Kung sasabihin ng iyong PCP na kailangan mo o ng iyong anak na magbawas ng timbang, puwedeng makatulong ang mga tip na ito:

  • Gawin ito bilang isang pampamilyang gawain. Isipin ito bilang panahon para matulungan ang buong pamilya. Makikinabang ka at ang pamilya mo sa pagkain nang tama at pagiging mas aktibo
  • Dapat maging aktibo ang lahat ng nasa pamilya. Magbisikleta pagkatapos maghapunan, maglakad-lakad, o humanap ng lalaruing sport. Layunin mong gawing masaya ang pag-eehersisyo para ma-enjoy ito ng buong pamilya at makapagpatuloy sila sa pag-eehersisyo
  • Limitahan ang oras na walang ginagawa. Limitahan ang dami ng oras na ginugugol ng iyong pamilya sa panonood ng TV, paglalaro ng mga video game, at hindi pagiging aktibo. Mahalaga ang pagiging aktibo para makapagbawas ng timbang.
  • Magplano ng malulusog na pagkain. Maghain ng maraming prutas at gulay. Subukang bawasan ang dami ng inihahaing pagkain at matatabang pagkain. Huwag dalasan ang pagkain ng fast food. Limitahan ang dami ng softdrink na iniinom mo at ng iyong pamilya at limitahan ang mga meryenda sa pagitan ng mga oras ng pagkain sa mga sumusunod:
    • Mga prutas
    • Mga gulay
    • Low-fat na keso
    • Peanut butter sa biskwit
    • Low-fat yogurt
    • Low-fat pudding
    • Mga fig bar
    • Whole wheat na tinapay

Bisitahin ang WebMD para sa mga dagdag na impormasyon.

Makipag-ugnayan sa Amin

Kailangan ng tulong? Narito kami para sa iyo.

Makipag-ugnayan sa Amin
Huling Na-update Noong: 12/4/2020
On Feb. 21, 2024, Change Healthcare experienced a cyber security incident. Any individuals impacted by this incident will receive a letter in the mail. Learn more about this from Change Healthcare, or reach out to the contact center at 1-866-262-5342. ×