Skip to main content

Pagsusuri sa Cervical Cancer

Ang pagsusuri sa cervical cancer ay tinatawag ding PAP smear. Dapat kang magpatingin nang regular sa iyong obstetrician/gynecologist (Ob/GYN). Isinasagawa ang mga regular na PAP smear screening kada tatlong taon, habang ikaw ay 21 hanggang 64 na taong gulang. Pinakamataas ang posibilidad mong magkaroon ng cervical cancer sa mga edad na ito. Sa pamamagitan ng regular na pagsusuri, bumaba ang dami ng nagkakaroon ng cervical cancer sa nakalipas na 30 taon.  Mas mabilis gamutin at mas madali mong mato-tolerate ang mga cancer kung matutuklasan ang mga ito nang mas maaga.

Ang ilang partikular na impeksyon at salik na peligro (risk factor) ay posibleng makapagpataas ng tsansa mong magkaroon ng cervical cancer, kabilang ang mga sumusunod:

  • Paninigarilyo
  • Obesity
  • Pagkakaroon dati ng HPV infection
  • Pangmatagalang paggamit ng birth control
  • Pagkontrol sa hormone
  • At marami pa.

Kung nagkaroon na ng kanser sa cervix (cervical cancer) ang sinumang miyembro ng iyong pamilya, tiyaking ipaalam ito sa iyong doktor. 

Mga Source:

Makipag-ugnayan sa Amin

Kailangan ng tulong? Narito kami para sa iyo.

Makipag-ugnayan sa Amin
Huling Na-update Noong: 12/4/2020
On Feb. 21, 2024, Change Healthcare experienced a cyber security incident. Any individuals impacted by this incident will receive a letter in the mail. Learn more about this from Change Healthcare, or reach out to the contact center at 1-866-262-5342. ×