Ang bawat babae ay dapat may taunang Well Woman Visit. Ang pagbisitang ito ay sa obstetrician/gynecologist (OB/GYN) na doktor. Sila ang mga doktor na may espesyal na pagsasanay sa mga medikal na problemang kinakaharap ng mga babae. Baka wala kang OB/GYN. Kung wala, tumawag sa numero ng serbisyo sa customer. Ang numerong ito ay nasa likod ng iyong member ID card. Matutulungan ka ng Mga Serbisyo sa Miyembro sa paghahanap ng doktor.
Mahalaga ang iyong Well Woman Visit. Inirerekomenda namin na maghanda ka ng mga tanong sa iyong pagbisita. Puwedeng may mga tanong ka tungkol sa iyong katawan o kalusugan. Habang nasa bisita, puwede ninyong pag-usapan ng iyong doktor ang tungkol sa pagpigil sa pagbubuntis o birth control.
Narito ang isang listahan ng mga bagay na puwedeng talakayin sa iyo ng iyong doktor habang bumibisita ka:
- Contraception
- Pag-inom ng alak
- Pagsusuri sa presyon ng dugo
- Pagsusuri sa cholesterol
- Pagsusuri sa depresyon
- Nutrisyon at Diyeta
- Pagsusuri sa HIV
- Mga bakuna at imunisasyon
- Pagsusuri sa Sexually Transmitted Disease (STD).
Kung isa kang magulang o tagapangalaga, ilang panahon na lang at puwedeng kailangan mo na ring dalhin ang iyong anak na babae sa OB/GYN. Karaniwang nagsisimula ang mga ganitong pagbisita sa mga edad 13 hanggang 15 taong gulang. Nangangahulugan ito na dapat nang huminto ang iyong anak sa pagpapatingin sa kanyang Pediatrician. Sinusuri sa mga pagbisitang ito ang paglaki at development. Maraming sinasaklaw na paksa ang isang Well Woman Visit. Puwede ka ring makipag-usap sa pediatrician ng iyong anak na babae tungkol sa kung kailan dapat magpatingin ang iyong anak na babae sa isang OB/GYN.
Hindi mo ba sigurado kung kailan dadalhin ang iyong anak na babae sa isang OB/GYN? Narito ang isang video na puwedeng makatulong sa iyo at sa iyong anak na makapagdesisyon nang tama.
Narito ang isang video na ginawa ng isang OB/GYN na doktor tungkol sa kung kailan dapat bumisita sa isang OB/GYN. Puwede rin nitong masagot ang ilang pangunahing tanong na maaaring mayroon ka:
Mga Source::