Mahalagang bahagi ng malusog na pagbubuntis ang pangangalagang natatanggap mo habang ikaw ay buntis. Mahalaga ang prenatal na pangangalaga.
Sumali sa Aming Prenatal Program.
Pakitawagan ang 1-866-635-7045 (TTY 711).
Kumonsulta sa Iyong Provider.
Kumonsulta agad sa iyong provider kapag nalaman mong buntis ka. Dapat magpatingin ang mga buntis na babae sa isang provider na may espesyalisasyon sa pagpapaanak gaya ng OB/GYN, komadrona, o APRN. Makakatulong sa iyo ang iyong provider para malaman kung mataas ang tsansa mong manganak nang masyadong maaga. Kung makikita agad ng provider ang mga problema, puwede niyang mapigilan o mapabagal ang mga problemang iyon.
Sa una mong pagbisita, dapat isagawa ng iyong provider ang mga sumusunod:- Tanungin ka tungkol sa iba mo pang mga pagbubuntis o sakit
- Tanungin ka tungkol sa kalusugan at mga sakit ng iyong ina, ama, at mga lolo at lola
- Tanungin ka kung nag-sign up ka ba sa Women, Infants and Children (WIC)
- Tingnan ang iyong mga tainga, ilong, at lalamunan
- Pakinggan ang iyong puso, mga baga, at tiyan
- Tingnan ang iyong mga bukungbukong (ankle) kung may pamamaga
- Kumuha ng dugo para sa ilang pagsusuri
- Bakunahan ka ng anumang kailangan mo
- Bigyan ka ng ultrasound para pakinggan ang tibok ng puso ng sanggol at para tingnan kung kumusta ang sanggol
- Turuan ka tungkol sa kung ano ang dapat kainin, inumin, at gawin para magkaroon ng malusog na pagbubuntis
Sa bawat pagbisita, dapat isagawa ng iyong provider ang mga sumusunod:
- Kunin ang iyong timbang at presyon ng dugo
- Kumuha ng sample ng ihi
- Sukatin ang iyong tiyan para matingnan ang paglaki ng sanggol
- Pakinggan ang iyong tiyan para marinig ang tibok ng puso ng sanggol
- Tanungin ka kung nararamdaman mong gumagalaw ang sanggol
- Tanungin ka kung naglalabas ka ng anumang likido
- Tanungin kung kumakain ka at kung iniinom mo ang iyong mga bitamina
- Tanungin kung ikaw ba ay naglalakad, nagsasagawa ng stretching, at bending
- Makipag-usap sa iyo tungkol sa mga peligro ng paninigarilyo, pag-inom, o paggamit ng mga droga, at mga referral para sa suporta
- Makipag-usap sa iyo tungkol sa mga pagbabago sa iyong katawan habang lumalaki ang sanggol
- Tanungin ka tungkol sa nararamdaman mo at ng iyong pamilya tungkol sa pagkakaroon ng bagong sanggol
- Dapat mong sabihin sa iyong doktor kung nalulungkot o nalulumbay ka
- Tanungin ka tungkol sa iyong personal na kaligtasan sa bahay
Sa pagbisita bago ang mismong panganganak, dapat isagawa ng iyong provider ang mga sumusunod:
- Kausapin ka tungkol sa kung paano mo malalaman kung handa nang maipanganak ang sanggol
- Kausapin ka tungkol sa pakiramdam ng pagkakaroon ng sanggol
- Kausapin ka tungkol sa trabaho at mga pagbibiyahe malayo sa bahay
-
Tanungin ka tungkol sa nararamdaman mo at ng iyong pamilya tungkol sa pagkakaroon ng bagong sanggol
-
Kausapin ka tungkol sa mga plano ninyo sa pagkakaroon ng mga sanggol sa hinaharap at tungkol sa mga pinakaepektibo at mabisang paraan ng contraception para sa iyo
Sa unang pagbisita pagkatapos manganak, dapat isagawa ng iyong provider ang mga sumusunod:
- Kunin ang iyong timbang at presyon ng dugo
- Suriin kung naghihilom ba ang iyong katawan pagkatapos manganak
- Suriin ang iyong mga suso at tanungin ka kung ikaw ay nagpapasuso
- Tanungin kung kumakain ka at kung iniinom mo ang iyong mga bitamina
- Tanungin kung ikaw ba ay naglalakad, nagsasagawa ng stretching at bending
- Tanungin ka tungkol sa nararamdaman mo at ng iyong pamilya tungkol sa sanggol
- Kausapin ka tungkol sa mga plano ninyo sa pagkakaroon ng mga sanggol sa hinaharap at tungkol sa mga pinakaepektibo, pinakamaaasahan, at pinakasulit na paraan ng contraception para sa iyo
Source: Guidelines for Perinatal Care, Fifth Edition, copyright © Oktubre 2002 ng American Academy of Pediatrics at ng American College of Obstetricians and Gynecologists at sinusuportahan sa partikular na paraan ng March of Dimes at ng Health Plan Employer Data and Information Set (HEDIS) Standards for Access and Availability, copyright© 2007 ng National Committee for Quality Assurance
Bisitahin ang WebMD para sa higit pang impormasyon.