Skip to main content

Ano ang Dapat Malaman Tungkol sa Breast Cancer

Reyalidad ang peligro ng kanser sa suso (breast cancer) para sa lahat ng babae. Mahalagang malaman ang tungkol sa mga peligro at mga opsyong mayroon ka. Maraming bagay ang puwedeng makaapekto sa posibilidad mong magkaroon ng kanser sa suso (breast cancer). Mahalagang papel ang ginagampanan ng iyong mga gene. May namamanang gene sa iyong DNA na puwedeng makapagpataas sa iyong peligro. Puwedeng sa isang babae lang ito lumabas sa isang pamilya. Hindi kayang hulaan kung kanino lalabas ang gene. Gayunpaman, hindi lang genetics ang salik na puwedeng maging dahilan ng pagkakaroon ng kanser sa suso (breast cancer). Sa katunayan, maraming iba't ibang salik ang puwedeng makapagdulot nito. Ang iyong diyeta, lahi, saan ka tumira, polusyon sa hangin at tubig, at ang antas ng pagiging aktibo mo ay maaaring magpataas sa posibilidad mong magkaroon ng kanser sa suso (breast cancer). Puwede kang kausapin ng iyong doktor tungkol sa iyong mga peligro. Humingi ng tulong sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa iyong doktor tungkol sa pagsusuri sa kanser sa suso (breast cancer).

Mga Pagsusuri sa Breast Cancer

Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa pagsusuri sa breast cancer. Nagbibigay ng mga pagsusuri sa breast cancer ang iyong planong pangkalusugan. Hindi ka sisingilin para dito. Ang pagsusuri sa breast cancer ay isang espesyal na x-ray ng iyong mga suso. Hinahanap sa scan ang mga cancer sa maaagang yugto ng mga ito. Tinatawag ding mammogram ang X-ray na ito. Hindi nakakapigil ng breast cancer ang mga pagsusuring ito. Pero kayang mahanap ng mga ito ang mga cancer habang maliliit pa at mabilis pang gamutin ang mga ito. Kaya naman mahalaga ang pakikipag-usap sa iyong doktor tungkol sa pagsusuri sa breast cancer. Sa iba't ibang panahon dapat magsimula ng mga pagsusuri ang iba't ibang babae. Nakadepende ito sa medikal na history at history ng pamilya. Halimbawa, kung ang isang babae ay may malapit na kamag-anak na may cancer, puwede siyang magpasuri nang mas maaga. Kung wala sa iyong pamilya ang nagkaroon ng breast cancer, puwedeng nasa peligro ka pa rin. Dapat ka pa ring magpasuri.

Paano kung may Makitang Problema sa Aking Mammogram?

Puwede kang mailigtas ng mammogram. Sa mammogram, maipapakita ang mga tumor na posibleng cancer bago pa man maramdaman ang mga ito. Mas madaling gamutin ang cancer kung gagamutin ang mga tumor habang maliliit pa lang ang mga ito. 

Maipapakita ng mammogram ang loob ng suso. Masasabi nito kung normal lang ang lahat. Pero hindi tiyak na maipapakita ng mammogram kung may breast cancer ka o wala. Puwedeng mangailangan ito ng higit pang pagsusuri.

Puwede kang magkaroon ng mammogram na mukhang hindi normal. Kung ganito ang mangyayari, malamang na imumungkahi ng iyong doktor ang biopsy. Isa itong tissue sample ng suso. Ang biopsy ay isang minor na surgery. Susuriin sa isang laboratoryo ang tissue ng suso mula sa biopsy. Sa pamamagitan ng mga resulta, malalaman ng iyong doktor kung cancerous ito. Pagkatapos, kakausapin ka ng iyong doktor tungkol sa mga susunod na hakbang. 

May mga tanong ka ba? Gusto mo bang humanap ng lugar kung saan puwedeng magpa-mammogram? Tawagan ang numero ng serbisyo sa customer sa likod o sa iyong card. Ikalulugod nilang tulungan ka o sagutin ang iyong mga tanong.

Ang maagang pag-detect ang susi sa paggaling mula sa kanser sa suso (breast cancer).

Mga Source:

Icon ng Makipag-ugnayan sa Amin

Kailangan ng tulong? Narito kami para sa iyo.

Makipag-ugnayan sa Amin
Huling Na-update Noong: 12/4/2020
On Feb. 21, 2024, Change Healthcare experienced a cyber security incident. Any individuals impacted by this incident will receive a letter in the mail. Learn more about this from Change Healthcare, or reach out to the contact center at 1-866-262-5342. ×