Skip to main content

Mga Bakuna para sa Iyong Anak

Ipinapanganak ang mga sanggol nang may natural na proteksyon laban sa ilang partikular na sakit. Pero kailangan pa rin nila ng mga bakuna. Ang isa sa mga benepisyo ng pagpapasuso ay ang pagbibigay ng proteksyon sa sanggol hanggang sa matanggap niya ang kanyang mga bakuna.

Nakakatulong ang mga bakuna (turok) para labanan ng katawan ang ilang partikular na sakit. Sa pamamagitan ng mga ito, ipagpapalagay ng katawan na may totoong impeksyon. Lalabanan ng katawan ng iyong anak ang "impeksyon." "Matatandaan" ng katawan ang impeksyon. Makakatulong ito na malabanan ito agad ng iyong anak kung makapasok ito ulit sa katawan.

May ilang magulang na nagdadalawang-isip na pabakunahan (paturukan) ang kanilang mga anak. Nag-aalala sila na baka makuha ng kanilang anak ang sakit na dapat sanang labanan ng bakuna. Pero talagang malabo itong mangyari.

Puwedeng magdulot ng mga banayad na reaksyon ang ilang bakuna. Puwedeng sumakit ang katawan ng mga bata pagkaturok sa kanila. Pero talagang bihira ang malulubhang reaksyon. Maliit ang mga peligrong dala ng mga bakuna kumpara sa mga peligrong pangkalusugan na dala ng mga sakit na tinutulungang iwasan ng mga ito.

Bisitahin ang WebMD para sa higit pang impormasyon.

Icon ng Makipag-ugnayan sa Amin

Kailangan ng tulong? Narito kami para sa iyo.

Makipag-ugnayan sa Amin
Huling Na-update Noong: 12/3/2020
On Feb. 21, 2024, Change Healthcare experienced a cyber security incident. Any individuals impacted by this incident will receive a letter in the mail. Learn more about this from Change Healthcare, or reach out to the contact center at 1-866-262-5342. ×