Skip to main content

Pagpapanatiling Fit at Malusog ang Iyong Mga Anak

Ano ang unang inaatupag ng iyong mga anak pag-uwi nila mula sa eskwela? Kumukuha ba sila agad ng meryenda at dumidiretso na sa panonood ng TV o paggamit ng computer?

Ang sobrang pagkain at hindi pagiging aktibo ay mga dahilan para masyadong bumigat ang mga bata. Sa nakalipas na 20 taon, dumoble ang dami ng mga batang sobra ang timbang. Humigit-kumulang 15% ng mga bata edad 6-19 na taon ang sobra sa timbang. Ibig sabihin, halos isa sa bawat limang bata ang masyadong mabigat.

Ang mga kabataang masyadong mabigat ay may mas mataas na peligro sa mga sumusunod:

  • Sakit sa puso
  • Diabetes
  • Altapresyon
  • Mataas na cholesterol
  • Ilang partikular na cancer.

Ang sobrang timbang ay nagdudulot din ng sobrang stress sa mga lumalaking buto at kasu-kasuan. May papel din ang pagiging sobra sa timbang sa mababang kumpyansa at depresyon sa mga bata.

Talagang pinagmamasdan ng mga bata kung ano ang iyong ginagawa. Dadalhin nila hanggang pagtanda ang mga natututunan nilang gawain habang sila ay bata. Tiyaking malulusog na gawain ang matututunan nila sa iyong bahay.

Mga Tip para sa Mga Magulang:

  • Maging magandang modelo para sa iyong mga anak. Tiyaking malusog ang pagkain mo at ng iyong pamilya
  • Bawasan ang mga itinatabing matatamis na meryenda at mga meryendang mataas ang fat sa iyong bahay. Maghanda ng mga prutas at gulay kapag gustong magmeryenda ng mga bata
  • Gumamit ng 100% fruit juice kapalit ng mga fruit juice drink. Ang kalahating tasa ay katumbas ng 1 paghahain
  • Bigyan ng tubig ang iyong anak sa halip na mga soft drink o fruit drink
  • Gumamit ng skim o 2% gatas sa halip na whole milk
  • Huwag puwersahin ang iyong anak na ubusin ang pagkain sa kanilang plato kung busog na sila
  • Huwag gamiting reward ang pagkain. At huwag pagkaitan ng pagkain ang iyong anak para parusahan siya
  • Huwag magmeryenda o kumain habang nanonood ng TV
  • Hikayatin ang iyong anak na maging mas aktibo bawat araw. Puwede kang makisali at mag-enjoy! Lumabas para maglakad o magbisikleta nang magkasama, mag-carwash, o gumawa ng iba pang gawaing bahay bilang isang team. Ang bawat bata ay dapat magkaroon ng hindi bababa sa 60 minutong ehersisyo kada araw.

Mangyaring makipag-usap sa iyong doktor kung sa tingin mo ay sobra ang timbang ng iyong anak. Naglalaman dapat ng malulusog na pagkain ang diyeta ng lahat ng bata para sa lumalaki nilang mga katawan.

Source: OSF Saint Francis Medical Center

Bisitahin ang WebMD para sa higit pang impormasyon.

Ehersisyo:

Mahalaga ang papel mo sa kung ano ang mararamdaman ng iyong mga anak tungkol sa pag-eehersisyo. Narito ang ilang tip para tulungan silang mas maging aktibo:

  • Gawing bahagi ng pang-araw-araw na gawain ng iyong pamilya ang pagiging aktibo. Maglaan ng panahon para sa paglalakad ng buong pamilya o para sa sama-samang aktibong paglalaro.
  • Bigyan ang mga bata ng mga laruan at equipment para sa aktibong paglalaro. Dalhin sila sa mga lugar kung saan sila puwedeng maging aktibo.
  • I-cheer ang mga anak kapag sumasali sila sa mga pisikal na aktibidad. Suportahan sila kapag nagpakita sila ng interes sa mga bagong aktibidad.
  • Gawing masaya ang pagiging aktibo. Puwede itong maging anuman na mae-enjoy ng iyong anak, mula sa mga team sport hanggang sa mga pang-indibidwal na laro.
  • Tiyaking tama ang mga aktibidad para sa edad ng bata. At para matiyak ang kaligtasan, gumamit ng mga gear gaya ng mga helmet, wrist pad, at knee pad.
  • Humanap ng madaling puntahang lugar kung saan puwedeng maging aktibo nang regular.
  • Limitahan ang oras sa TV at video game nang hindi lalampas sa dalawang oras kada araw. Sa halip, hikayatin ang mga bata na maglakad, maglaro, o sumayaw.

Source: Centers for Disease Control and Prevention (CDC)

Bisitahin ang WebMD para sa higit pang impormasyon.

Icon ng Makipag-ugnayan sa Amin

Kailangan ng tulong? Narito kami para sa iyo.

Makipag-ugnayan sa Amin
Huling Na-update Noong: 12/4/2020