Puwedeng gumamit ng mga droga ang mga kabataan sa iba't ibang paraan. Karaniwan na ang pag-eeksperimento sa ganitong edad. Sa kasamaang palad, hindi naiisip ng karamihan sa mga kabataan kung paano makakaapekto ang kanilang mga aksyon sa kanilang hinaharap. Puwede nilang ipagpalagay na hindi nila magiging problema ang mga problema ng iba.
Ang bawat kabataang gumagamit ng droga ay puwedeng maadik. May ilang kabataan na susubok ng droga nang ilang beses, at pagkatapos ay hihinto. Pero may ilan naman na magiging dependent. Lilipat sila sa mga mas mapanganib na droga at magdudulot ng mas matitinding panganib sa kanilang mga sarili at sa iba.
Sino ang Nasa Peligro?
Ang mga kabataang puwedeng magkaroon ng malulubhang problema sa droga ay ang mga kabataang:
- May history ng pang-aabuso ng droga sa pamilya
- Nakakaranas ng depresyon
- May mababang kumpyansa sa sarili
- Hindi nararamdaman na tanggap sila
Ano ang Mga Babalang Senyales?
- Pisikal: Pagkapagod, paulit-ulit na dinaramdam sa kalusugan, mapupula at tulalang mata, matagal na ubo
- Emosyonal: Mga biglaang pagbabago sa personalidad at mood, pagiging iritable, iresponsableng pagkilos, mababang kumpyansa sa sarili, maling pagdedesisyon, depresyon
- Pamilya: Nagsisimula ng mga pag-aaway, lumalabag sa mga patakaran, kawalan ng pakialam
- Pag-aaral: Kawalan ng interes, hindi magandang pag-uugali, pagbaba ng mga grado, maraming absent, mga problema sa disiplina
- Social: Mga bagong kaibigan na hindi interesado sa mga aktibidad sa bahay at paaralan, mga problema sa batas, mga pagbabago sa mga hindi conventional na damit at musika
Ang ilan sa mga senyales na ito ay puwede ring indikasyon ng iba pang problema. Kung nakikita mo sa iyong anak ang ilan sa mga sintomas, tawagan ang iyong provider sa pangangalagang pangkalusugan para maalis ang posibilidad ng iba pang uri ng sakit.
Bisitahin ang WebMD para sa higit pang impormasyon.