Skip to main content

Ang Kailangan Mong Malaman Tungkol sa Bakuna Laban sa Trangkaso

Nakakatulong ang taunang bakuna laban sa trangkaso sa pag-iwas sa trangkaso. Ligtas at epektibo ito. Nakakatulong ang bakuna sa iba't ibang strain ng influenza virus. Sa pamamagitan nito, makakagawa ng mga antibody ang iyong katawan. Nakakatulong ang mga antibody na ito na protektahan ang iyong katawan laban sa impeksyon.

Marami ang strain ng virus ng trangkaso, at madalas magbago ang mga ito.

Nagbabago rin kada taon ang bakuna laban sa seasonal na trangkaso. Ito ay para makahabol sa tatlong pinakakaraniwang strain ng virus sa naturang taon. Kailangan mong magpaturok ng bagong bakuna kada taon para manatiling ligtas.

Sino ang dapat magpabakuna laban sa trangkaso?

Ayon sa Centers for Disease Control, ang mga may pinakamataas na peligro ang dapat magpabakuna laban sa trangkaso. Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Mga batang wala pang edad 5
  • Mga nasa hustong gulang edad 65 pataas
  • Mga buntis
  • Sinumang may mahinang immune system o pangmatagalan o chronic na kondisyon (gaya ng COPD o congestive heart failure).

Kapaki-pakinabang ang pagpapabakuna laban sa trangkaso sa dalawang dahilan:

  • Pag-iwas: Sa pamamagitan ng bakuna laban sa trangkaso, naiiwasan ang milyon-milyong medikal na pagbisita at libo-libong pagpapaospital at pagkamatay kada taon sa pamamagitan ng pagprotekta sa pasyente at sa mga tao sa paligid niya
  • Pagpapababa sa kalubhaan: Mababawasan ng mga bakuna laban sa trangkaso ang kalubhaan ng trangkaso sa mga taong nabakunahan pero nagkasakit pa rin

Maging ang malulusog na tao ay dapat magpabakuna
Puwede pa ring dalhin ng “malulusog” na tao ang virus ng trangkaso. Puwede pa ring kumalat ang mga ito sa iba nang hindi nagpapakita ng mga sintomas. Puwedeng ang pakiramdam mo ay wala kang sakit. Inihahanda ng bakuna ang iyong katawan para labanan ang trangkaso. Nakakatulong din ito na paganahin nang mabilis ang iyong immune system.

Huwag lumaktaw ng taon
Mahalagang magpabakuna laban sa trangkaso kada taon. Nagbabago ang mga strain ng virus ng trangkaso. Nababawasan ang bisa ng proteksyong bigay ng bakuna sa paglipas ng panahon. Ibig sabihin, ang bakuna noong nakaraang taon ay posibleng hindi makapagbigay ng proteksyon sa iyo laban sa sakit.

Hindi magagawa ng bakuna na bigyan ka ng trangkaso
Hindi ka magkakatrangkaso dahil sa bakuna. Minsan, na-expose na ang mga tao bago pa man sila maturukan. Puwede silang magkasakit bago pa man ito tumalab (sa loob ng humigit-kumulang 2 linggo). Kaya mahalagang magpaturok nang maaga.

Available ang mga egg-less na bakuna laban sa trangkaso
May opsyon para sa mga allergic sa itlog. Itanong sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan o sa pharmacist kung tama para sa iyo ang egg-less na alternatibo.

Paano kung hindi tumalab ang bakuna laban sa trangkaso sa lahat ng pagkakataon?
Ang bakuna laban sa trangkaso ay nagbibigay ng proteksyon mula sa marami sa mga karaniwang seasonal na strain. Kahit na kumalat ang iba't ibang uri ng virus, ang pagpapaturok ay nagpapababa ng kalubhaan ng sakit.

Sa tingin mo ba ay tinatrangkaso ka na?
Agad na kumonsulta sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan o bumisita sa isang klinika para sa agarang pangangalaga. Puwede silang magreseta ng gamot laban sa virus para makatulong sa pagpapababa ng kalubhaan at tagal ng trangkaso.

Icon ng Makipag-ugnayan sa Amin

Kailangan ng tulong? Narito kami para sa iyo.

Makipag-ugnayan sa Amin
Last Updated On: 7/23/2024
On Feb. 21, 2024, Change Healthcare experienced a cyber security incident. Any individuals impacted by this incident will receive a letter in the mail. Learn more about this from Change Healthcare, or reach out to the contact center at 1-866-262-5342. ×