Skip to main content

Kailan dapat Mag-enroll

Ayon sa mga alituntunin ng Medicare, puwede kang sumali, lumipat, o umalis sa isang Advantage na Plano sa mga panahong ito:

  • Panahon ng Pagpili ng Unang Pagsaklaw (Initial Coverage Election Period, ICEP) - Ang ICEP ang iyong unang tsansang magpatala sa unang pagkakataon na maging kwalipikado ka. Kung malapit ka nang tumuntong sa 65 taong gulang, puwede kang magpatala sa loob ng hanggang tatlong buwan bago ang, hanggang tatlong buwan pagkatapos ng buwan kung kailan ka nag-65 
  • Panahon ng Taunang Pagpili (Annual Election Period, AEP) - Ang AEP ay mula Oktubre 15 hanggang Disyembre 7 ng bawat taon. Puwede kang magpatala kung hindi ka pa nakakapagpatala sa isang Advantage na Plano o kung gusto mong lumipat ng plano. Magsisimula ang saklaw sa Enero 1 ng susunod na taon
  • Panahon ng Bukas na Pagpapatala (Open Enrollment Period, OEP) - Puwede kang gumawa ng isang pagbabago sa iyong saklaw sa kalusugan sa Panahon ng Bukas na Pagpapatala sa Medicare Advantage. Mula Enero 1 hanggang Marso 31 kada taon, magagawa mong:
    • Lilipat sa ibang Medicare Advantage na Plano
    • Umalis sa pagkakatala sa isang Medicare Advantage na plano at kumuha ng saklaw sa pamamagitan ng Original Medicare.  Kung lilipat ka sa Original Medicare sa panahong ito, mayroon kang hanggang Marso 31 para sumali sa isang hiwalay na plano sa inireresetang gamot ng Medicare para magkaroon ka ng saklaw sa gamot.
  • Espesyal na Panahon ng Pagpili (Special Election Period, SEP) - Puwede kang bigyan ng CMS ng SEP, na magbibigay-daan sa iyong makapagpalit ng plano sa loob ng taon pagkatapos ng Taunang Panahon ng Pagpili o Panahon ng Pagpili ng Unang Pagsaklaw. Nakadepende sa oras ang Mga Espesyal na Panahon ng Pagpili Kung bibigyan ka ng Espesyal na Panahon ng Pagpili, puwede mong piliing magpatala sa isang plano ng 'Ohana. Ang ilan sa mga halimbawa ng mga sitwasyon kung saan puwede kang mabigyan ng Espesyal na Panahon ng Pagpili ay kinabibilangan ng, pero limitado sa:
    • Nakakatanggap ka ng Karagdagang Tulong, na tinatawag ding Subsidy para sa Mababa ang Kita (Low-Income Subsidy, LIS), na isang programang tumutulong sa mga taong may limitadong kita at mapagkukunan na makapagbayad para sa kanilang mga inireresetang gamot, premium, nababawas (deductible), bahaginan-sa-bayad (co-payment) at coinsurance. Para malaman kung kwalipikado ka, tawagan ang Tanggapan ng Social Security sa 1-800-772-1213 sa pagitan ng 7 a.m. at 7 p.m., Lunes hanggang Biyernes (TTY 1-800-325-0778). O tawagan ang tanggapan ng Medicaid sa iyong estado.
    • Umalis ka sa sineserbisyuhang lugar
    • Nakatira ka sa isang institusyon
Icon ng Makipag-ugnayan sa Amin

Kailangan ng tulong? Narito kami para sa iyo.

Makipag-ugnayan sa Amin
Y0020_WCM_164006E_M Last Updated On: 10/1/2024
On Feb. 21, 2024, Change Healthcare experienced a cyber security incident. Any individuals impacted by this incident will receive a letter in the mail. Learn more about this from Change Healthcare, or reach out to the contact center at 1-866-262-5342. ×