Skip to main content

Drug Quality Assurance Programs

Inaatasan ng 'Ohana ang mga kalahok na parmasya na magsagawa ng pagsusuri sa paggamit ng gamot (drug utilization review, DUR). Ginawa ito para masuri ang kaligtasan at paggamit ng gamot para sa mga miyembro batay sa kanilang profile. Mahalagang tool ang DUR na nagsi-screen ng on-line at real time na interaksyon gaya ng:

  • Mga Interaksyon ng Gamot sa Gamot
  • Gamot-Sakit
  • Mga pag-iingat kaugnay ng Gamot-Edad
  • Mga pag-iingat kaugnay ng Gamot-Kasarian
  • Mga pag-iingat sa maling pagdodosis
  • Maling durasyon ng therapy sa gamot
  • Therapeutic duplication
  • Mga pag-iingat sa sobra-sobrang paggamit
  • Mga limitasyon sa inireresetang gamot
  • Pagsubaybay sa pagsunod

Ang pagsusuri sa paggamit sa gamot ay nagsisilbing hakbang para matiyak na natutugunan ang mga pamantayan sa paggamit ng gamot at nakakasunod ito sa mga alituntunin ng FDA, na ipinapatupad ng Komite sa Parmasya at Therapeutic, at First Data Bank Criteria ang mga klinikal na protocol. Batay sa pagsusuring ito, magagawa ng attending pharmacist at/o physician ang pinakamainam na pasya para sa pasyente kaugnay ng kanyang parmasyutikal na pangangalaga.

Pagtiyak sa Kalidad

Tinitiyak ng 'Ohana ang kaligtasan at kalusugan ng mga miyembro nito sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga epektibong hakbang at sistema sa Pagtiyak sa Kalidad. Ginagawa namin ito para mabawasan ang mga error sa gamot at hindi magagandang reaksyon sa gamot, at mapahusay ang paggamit ng gamot. Kabilang sa mga hakbang na ito ang pagtiyak na sumusunod ang mga provider sa mga pamantayan sa kasanayan ng parmasya, pagsusuri sa paggamit ng gamot, mga internal na sistema ng pagtukoy ng error sa gamot, mga programa sa pamamahala ng medikal na therapy, at Mga Komite sa Parmasya at Therapeutics. Nakikipagtulungan din ang 'Ohana sa mga Organisasyon ng Pagpapahusay ng Kalidad (Quality Improvement Organizations, QIO) sa estado, na may kontrata sa Drug Utilization para mangolekta, mag-analisa, at mag-ulat ng data batay sa mga kasanayan sa therapy sa gamot.

Icon ng Makipag-ugnayan sa Amin

Kailangan ng tulong? Narito kami para sa iyo.

Makipag-ugnayan sa Amin
Y0020_WCM_134133E_M Last Updated On: 8/15/2023
On Feb. 21, 2024, Change Healthcare experienced a cyber security incident. Any individuals impacted by this incident will receive a letter in the mail. Learn more about this from Change Healthcare, or reach out to the contact center at 1-866-262-5342. ×