Mag-ulat ng Panloloko at Pang-aabuso
Ang karamihan ng mga tagapagbigay at mga miyembro ay matapat. Ang ilan ay hindi. Nangyayari ang panloloko kapag sadyang nagbibigay ang tagapagbigay o miyembro ng maling impormasyon upang ang isang tao ay magkaroon ng benepisyong hindi pinapahintulutan. Bilyun-bilyong dolyar ang nawawala dahil sa panloloko sa pangangalagang pangkalusugan taun-taon. Ang ibig sabihin ay ibinayad ang pera para sa mga serbisyong maaaring hindi naibigay kahit kailan. Gayundin, maaaring nangangahulugan itong ang siningil na serbisyo ay hindi ang serbisyong isinagawa.
Gamitin ang form na ito upang mag-ulat ng pinaghihinalaang panloloko o pang-aabuso.