Skip to main content

Ang kailangan mong malaman tungkol sa COVID-19

Ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay isang bagong sakit na nagdudulot ng sakit sa baga sa mga tao. Puwede itong makahawa sa mga tao. Puwedeng mahawa ang sinuman, anuman ang kanilang edad. Ang mas matatanda at ang mga taong may mga dati nang medikal na kondisyon ay posibleng magkaroon ng malalang karamdaman kapag nahawa sila:

  • Hika
  • Diabetes
  • Sakit sa puso

Coronavirus at Mga Sintomas

Ano ang Coronavirus?

Ang COVID-19 ay isang sakit sa baga. Dulot ito ng isang bagong virus na tinatawag na coronavirus, na isa na ngayong emergency sa pampublikong kalusugan. Patuloy na dumarami ang kaso sa bansa at sa buong mundo.

Ano ang mga sintomas?

Kasama sa mga sintomas ng coronavirus ang mga sumusunod:

  • Mga banayad hanggang sa malulubhang sintomas sa baga
  • Lagnat
  • Ubo
  • Kakapusan sa paghinga
  • Sakit sa ibabang bahagi ng baga

Puwedeng makahawa ang COVID-19 bago pa man magpakita ng mga sintomas ang isang tao.

Alin pa ang puwedeng magpakita ng mga parehong sintomas?

Uso sa Estados Unidos ang influenza (trangkaso), isang nakakahawang sakit sa baga na dulot ng mga influenza virus (Type A at Type B) sa mga buwan ng taglagas/taglamig. Ang lahat ng tao edad 6 na buwan pataas ay dapat magpabakuna laban sa trangkaso nang isang beses kada taon.

Parang may mga sintomas ako. Ano ang dapat kong gawin?

Kung na-expose ka sa virus o trangkaso, o kung nagpapakita ka na ng mga sintomas nito, makipag-ugnayan agad sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan o sa iyong health department.

Protektahan ang iyong sarili at ang komunidad mo.

Lahat tayo ay may tungkulin sa pagprotekta sa ating mga komunidad at pamilya laban sa pagkalat ng coronavirus. Puwede mo ring sundin ang mga tip na ito para makaiwas sa pagkahawa:

  • Hugasan ang iyong mga kamay nang madalas. Gumamit ng sabon at tubig sa loob hindi bababa sa 20 segundo.
  • Gumamit ng alcohol-based na hand sanitizing rub (naglalaman dapat ng hindi bababa sa 60 porsyentong alcohol).
  • Magsuot ng pantakip sa mukha o mask kapag nasa publiko at/o kapag may mga kasalamuhang ibang tao na hindi mo kasama sa bahay.
  • Takpan ang iyong bibig kapag umuubo o bumabahing sa pamamagitan ng pag-ubo/pagbahing sa iyong siko.
  • Itapon agad ang mga tissue sa basurahan pagkagamit.
  • Linising mabuti ang mga hawakan sa mga pampublikong lugar.
  • Manatili sa bahay kapag may sakit ka.
  • Iwasan ang pakikipagkamay.
  • Iwasan ang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga taong may sakit.
  • Magpabakuna laban sa trangkaso nang isang beses kada taon.

Ang Iyong Saklaw sa Pangangalagang Pangkalusugan

Saklaw ba ng aking plano ang pagpapa-test/pagsusuri/pagpapagamot para sa COVID-19?

Yes. When medically necessary diagnostic testing, medical screening services and/or treatment is ordered and/or referred by a licensed health care provider, we will cover the cost of medically necessary COVID-19 tests, screenings, associated physician's visit(s) and/or treatment. If applicable, your plan's copayment, coinsurance and/or deductible cost-sharing will be waived for medically necessary COVID-19 diagnostic testing, medical screening services and/or treatment.

Kailangan ba ng paunang pahintulot para sa pag-test, pagsusuri, at/o paggamot para sa COVID-19 sa ilalim ng saklaw ng plano ko?

Hindi. Hindi kami hihingi ng paunang pahintulot, paunang sertipikasyon, paunang abiso, at/o mga protocol para sa step therapy para sa mga medikal na kinakailangang pag-test, medikal na pagsusuri, at/o paggamot para sa COVID-19 kapag iniutos at/o ni-refer ng lisensyadong provider ng pangangalagang pangkalusugan ang mga medikal na kinakailangang serbisyo.

Saan ako puwedeng magpa-test/magpasuri/magpagamot para sa COVID-19 sa ilalim ng saklaw ng plano ko?

Medically necessary COVID-19 diagnostic testing, medical screening services and/or treatment and the associated physician's visit will be covered when ordered, referred and/or performed in the following In-Network locations:

  • Physician's/Practitioner's Office
  • Independent na Laboratoryo/Diagnostic na Pasilidad
  • Pasilidad para sa Agarang Pangangalaga
  • Emergency Department na Pasilidad

Are you unsure if you have been exposed to or at-risk of being infected with COVID-19? Schedule a virtual care visit with a provider. It is a good option for non-urgent care to limit potential exposure in a physician's office or other healthcare facility.

Kailangan ko bang bayaran ang anumang mula sa sariling bulsang gastusin para sa pag-test/pagsusuri/paggamot para sa COVID-19?

No. We will cover medically necessary COVID-19 diagnostic testing, medical screening services and/or treatment at no charge to you, when such services are ordered and/or referred by a licensed health care provider. If applicable, your plan's copayment, coinsurance and/or deductible cost-sharing will be waived for medically necessary COVID-19 diagnostic testing, medical screening services and/or treatment, along with the associated physician's visit.

Kung kailangan kong gamutin dahil sa coronavirus, saklaw ba iyon ng plano ko?

Ang anumang medikal na kinakailangang paggamot na nauugnay sa COVID-19 ay ikokonsidera bilang isang saklaw na benepisyo. Nakatuon kaming tiyakin ang access sa mga serbisyo sa paggamot para sa COVID-19 alinsunod sa pederal at pang-estadong batas.

Mare-refill ko ba ang aking mga inireresetang gamot bago ang petsa ng pag-refill?

Oo, mare-refill ng mga miyembro ang mga inireresetang gamot bago ang petsa ng pag-refill.

Ano ang bakuna laban sa COVID-19?

Mayroon nang bakuna na magbibigay sa iyo ng pinakamataas na tsansang maprotektahan ang iyong sarili at mga mahal sa buhay mula sa pagkakaroon ng COVID-19. Ang ilang bakuna sa COVID-19 ay may dalawang dosis na may ilang linggong agwat. Makakatanggap ka ng Card ng Paalala sa Bakuna sa COVID-19 na makakatulong sa iyo na masubaybayan kung aling bakuna ang natanggap mo, at kung kailan magpapaturok para sa pangalawang dosis, kung kailangan. Kung makakatanggap ka ng bakunang nangangailangan ng dalawang dosis, mahalagang makuha ang dalawang dosis.

Saan ko makukuha ang bakuna laban sa COVID-19?

Magiging available ang bakuna sa iba't ibang tao sa iba't ibang panahon. Tawagan ang iyong doktor para sa anumang tanong. Itanong kung kailan ka puwedeng magpa-appointment sa kanya. Puwede ka ring magtanong sa iyong lokal na parmasya. O kaya ay alamin kung saan mo makukuha ang iyong bakuna sa cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/vaccines o vaccinefinder.org.

Kailangan ba akong magpabakuna laban sa COVID-19?

Hindi. Pero kung magpapabakuna ka laban sa COVID-19, pinakamataas ang tsansa mong maprotektahan ang iyong sarili at mga mahal sa buhay mula sa pagkakaroon ng COVID-19 sa hinaharap.

Nagkaroon na ako ng COVID-19. Dapat pa rin ba akong magpabakuna?

Oo. Dapat ka pa ring magpabakuna. Posible ka pa ring mahawa nang mahigit sa isang beses. Ang pagpapabakuna ay isang paniguradong opsyon.

Puwede bang magpabakuna ang aking anak?

Sa kasalukuyan, inirerekomenda ang bakuna ng Pfizer-BioNTech para sa mga tao edad 16 pataas. Ang bakuna ng Moderna at Johnson & Johnson ay para sa mga tao edad 18 pataas.

Buntis ako. Dapat ba akong magpabakuna?

Ayon sa CDC, puwedeng bakunahan ang mga buntis. Kung may mga tanong ka tungkol sa pagpapabakuna, inirerekomendang pag-usapan ninyo ito ng doktor mo.

Kapag nakapagpabakuna na ako, puwede na ba akong hindi magsuot ng mask o hindi mag-social distancing?”

Walang ebidensya na kayang pigilan ng bakuna ang COVID-19 na walang sintomas. May posibilidad na makuha mo ito, pero hindi ka magkakaroon ng mga sintomas. Dahil dito, puwede mong mahawaan ang mga mahal mo sa buhay na malapit sa iyo.

  • Noong Marso 8, inanunsyo ng CDC na kung nasa indoor at maliit lang ang grupo, ang mga Amerikanong ganap nang nabakunahan ay hindi na kailangang magsuot pa ng mask at mag-social distancing sa mga taong nabakunahan na.
  • Puwedeng bumisita sa bahay ng mga hindi pa nababakunahang tao mula sa isang pamilyang mababa ang peligro sa COVID-19.

Itinuturing na ganap na nabakunahan ang isang tao dalawang linggo pagkatapos ng panghuli niyang dosis. Ibig sabihin, dalawang linggo pagkalipas ng pangalawang dosis ng mRNA na bakuna ng Moderna o Pfizer, o dalawang linggo pagkalipas ng nag-iisang dosis ng bakuna ng Johnson & Johnson.

Mahalagang gawin ang mga sumusunod:

  • Patuloy na mag-social distancing at magsuot ng mask.
  • Patuloy na maghugas ng iyong mga kamay.
  • Magsuot ng mask at mag-social distancing kapag nasa mga pampublikong lugar, gaya ng gym o restaurant, dahil mas mataas ang peligrong mahawaan ng COVID-19.

Kung ganap ka nang nabakunahan at na-expose ka sa isang tao na may COVID-19, ayon sa CDC, hindi mo na kailangang mag-quarantine at magpa-test kung wala kang sintomas. Dapat mong subaybayan kung magkakaroon ka ng mga sintomas sa loob ng 14 na araw.

Ligtas ba ang bakuna? 

Pangunahing priyoridad ang kaligtasan ng bakuna laban sa COVID-19! Masusing sinusuri ng Food and Drug Administration (FDA) ang lahat ng data tungkol sa kaligtasan mula sa mga klinikal na trial at pinapahintulutan lang nito ang pang-emergency na paggamit ng bakuna kapag inaasahang mas magiging matimbang ang mga benepisyo nito kaysa sa mga posibleng peligro. Sinuri ang mga bakuna laban sa COVID-19 sa malalaking klinikal na trial para matiyak na matutugunan ng mga ito ang mga pamantayan sa kaligtasan.

Mayroon bang anumang side effect kapag nagpabakuna ako?

Puwede kang lagnatin pagkatapos mong mabakunahan. Normal ito dahil bumubuo ang iyong katawan ng resistensya at nilalabanan nito ang mga exposure sa COVID-19 sa hinaharap. Puwedeng sumama ang pakiramdam mo pagkatapos mabakunahan. Puwede kang makaranas ng mga sumusunod:

  • lagnat
  • sakit ng ulo
  • sakit ng katawan

Reaksyon ito ng iyong katawan sa bakuna. Isa itong normal na tugon. Mahalagang malaman na imposibleng magka-COVID-19 dahil sa bakuna. Hindi naglalaman ng buhay na virus ang mga bakunang kasalukuyang ginagamit at ang iba pa na kasalukuyang dine-develop.

Dapat ba akong magbayad para sa aking bakuna? O dapat ba akong humingi ng paunang awtorisasyon?

Hindi. Wala kang gagastusin para sa bakuna laban sa COVID-19. Hindi mo kailangang humingi ng paunang awtorisasyon para sa iyong bakuna.

Nawala ko ang aking Record Card para sa Pagpapabakuna laban sa COVID-19. Ano na ang dapat kong gawin?

Pakitawagan ang pasilidad/provider na nagbigay sa iyo ng una mong dosis para itanong ang tungkol sa impormasyon ng iyong bakuna at para ma-verify ang pangalawa mong appointment/lokasyon.

Nakatakda na ako para sa pangalawa kong dosis. Nakuha ko ang una kong dosis mula sa ibang provider na hindi ko PCP. Wala akong contact information nila. Ano na ang dapat kong gawin?

Nag-iskedyul dapat ang provider ng pangalawang appointment sa iyo sa parehong pasilidad kung saan mo natanggap ang pangalawang dosis. Gayunpaman, puwede mong matanggap ang pangalawa mong dosis mula sa ibang provider/pasilidad, at dapat mong ipakita ang iyong Record Card para sa Pagpapabakuna laban sa COVID-19.

May mga istratehiya ba para makaangkop sa COVID-19 outbreak?

Puwedeng tumindi ang pag-aalala at pagkabalisa dahil sa pagkalat ng COVID-19. Natural ang pag-aalala para sa mga kaibigan at kapamilya na nakatira sa mga lugar kung saan kumakalat ang COVID-19 o ang pag-aalala tungkol sa paglala ng sakit.

  • Pangalagaan ang iyong katawan. Huminga nang malalim, mag-stretch o mag-meditate.
  • Kumonekta sa iba. Ibahagi ang iyong mga alalahanin at kung ano ang nararamdaman mo sa mga kaibigan o kapamilya. Magpanatili ng magagandang ugnayan, at magkaroon ng pag-asa at positibong pag-iisip.
  • Ibahagi ang mga impormasyon tungkol sa COVID-19 at ang mga aktwal na peligro sa iba. Hindi itinuturing na peligro sa iba ang mga taong lampas 14 na araw na simula noong nakabalik mula sa mga lugar kung saan kasalukuyang kumakalat ang sakit at hindi nagpapakita ng mga sintomas ng COVID-19.
  • Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang mga mungkahi ng CDC para sa kalusugan sa pag-iisip at pag-angkop sa panahon ng COVID-19

Para sa higit pang impormasyon, kabilang ang mga anunsyo sa pagbibiyahe, pakibista ang cdc.gov.

Icon ng Makipag-ugnayan sa Amin

Kailangan ng tulong? Narito kami para sa iyo.

Makipag-ugnayan sa Amin
Last Updated On: 3/20/2020
On Feb. 21, 2024, Change Healthcare experienced a cyber security incident. Any individuals impacted by this incident will receive a letter in the mail. Learn more about this from Change Healthcare, or reach out to the contact center at 1-866-262-5342. ×