Skip to main content

Kontrolin ang Iyong Diabetes

Ang mga taong may diabetes ay puwedeng mabuhay nang mahaba at malusog. Isang napakagandang simula ang pagkontrol sa tatlong kondisyong ito:

  • Blood sugar (glucose)
  • Presyon ng dugo
  • Mga antas ng cholesterol

Maraming tao ang nakakaranas ng lahat ng kondisyong ito. Kapag may diabetes ka, mas mataas ang tsansa mong atakihin sa puso, ma-stroke, o pumalya ang bato. Pero kaya mong kontrolin ang iyong blood sugar, presyon ng dugo, at cholesterol. Mababawasan nito ang peligro mong magkasakit.

Itanong sa Iyong Primary Care Physician (PCP) ang Mga Tanong na Ito:

T. Ano ang ibig sabihin ng aking mga numero sa glucose, presyon ng dugo, at cholesterol?
T. Ano dapat ang mga ito?
T. Anong mga hakbang ang dapat kong gawin para maabot ang mga target na ito at mapanatili ang mga ito?

Magtabi ng Record.

Subaybayan ang iyong blood sugar (glucose), presyon ng dugo, at mga antas ng cholesterol.

Kumilos Ngayon.

  • Kumain ng tamang dami ng mga pagkain gaya ng mga prutas, gulay, beans, at whole grains
  • Kumain ng mga pagkaing hindi masyado maalat at mataba
  • Magkaroon ng kahit man lang 30 minutong pisikal na aktibidad kada araw
  • Magpanatili ng malusog na timbang. Itanong sa iyong primary care provider (PCP) ang iyong body mass index (BMI) at alamin kung pasok ito sa normal
  • Huminto sa paninigarilyo. Itanong sa iyong PCP ang tungkol sa mga paraan para huminto
  • Gumamit ng pillbox para makatulong sa regular mong pag-inom ng gamot araw-araw
  • Magtabi ng updated na listahan ng lahat ng iyong medikasyon sa iyong purse o wallet
  • Inumin ang mga gamot ayon sa direksyon ng iyong PCP o espesyalista. Kung sa tingin mo ay hindi umaayon ang isang gamot sa iyong katawan, sabihin ito sa iyong PCP
  • Itanong sa iyong PCP ang tungkol sa araw-araw na pag-inom ng isang dosis ng aspirin
  • Humingi ng tulong sa iyong mga kapamilya at kaibigan para sa mga pagsisikap mong maging malusog at manatiling malusog

Magtakda ng Mga Layunin.

Itala kung kailan tiningnan ng iyong doktor ang iyong paningin, paggana ng bato, at mga paa. Makipagtulungan sa iyong PCP, mga espesyalista, mga kaibigan, at mga kapamilya para abutin ang iyong mga layunin.

Huwag kalimutang kunin ang mga pagsusuring ito:

Blood Sugar (glucose)
Kilala rin ang A1C test bilang Hemoglobin A1C. Sinusukat nito ang iyong average na blood sugar sa nakalipas na tatlong buwan. Magpasuri sa loob ng kahit man lang dalawa hanggang apat na beses kada taon, depende sa iyong kalagayan. Iminumungkahing target na blood glucose: 7 pababa para sa A1C test.

Presyon ng Dugo
Nakakatulong ang pagdidiyeta at pag-eehersisyo. Posibleng kailangan mo rin ng gamot. Magpatingin sa bawat pagbisita.  Puwedeng mag-iba-iba ang mga target na presyon ng dugo depende sa edad at kalusugan. Itanong sa iyong PCP kung ano ang tama para sa iyo.

Cholesterol
Ang cholesterol ay isang uri ng fat sa dugo. Nakakatulong ang pagdidiyeta at pag-eehersisyo. Puwedeng kailangan din ng gamot. Magpasuri sa loob ng kahit dalawang beses kada taon. Puwedeng mag-iba-iba ang ideyal na cholesterol ayon sa tao. Itanong sa iyong PCP kung ano ang tama para sa iyo.

Mga Regular at Dilated Eye Exam
Magpasuri nang isang beses kada taon sa isang espesyalista sa mata.

Pagsusuri para sa Sakit sa Bato
Magpasuri para sa protein (Albumin) sa iyong ihi at magpasuri para sa buildup ng mga substance sa iyong dugo nang kahit man lang isang beses kada taon.

Mga Pagsusuri sa Paa
Ipasuri ang iyong mga paa kada pagbisita.

Para sa Higit Pang Impormasyon, bisitahin ang WebMD.

Icon ng Makipag-ugnayan sa Amin

Kailangan ng tulong? Narito kami para sa iyo.

Makipag-ugnayan sa Amin
Huling Na-update Noong: 12/3/2020