Skip to main content

Pagsusuri para sa Lead at ang Iyong Anak

Nakakaapekto ba ang Lead sa Iyong Kalusugan?

Puwedeng makasama ang lead sa sinuman. Gayunpaman, ang mga batang wala pang edad anim na taon ang nasa mas malaking peligro. Madaling ma-absorb ng kanilang mga katawan ang lead. Puwede itong makasama sa kanilang utak at iba pang organ at system. Ang ilang partikular na gawain ng mga bata, gaya ng pagsubo ng mga bagay na hindi puwedeng kainin tulad ng nabakbak na pintura o dumi, ay puwedeng magdulot ng pagkalason sa lead o lead poisoning. Puwede itong magresulta sa mga malubhang karamdaman, gaya ng mga sumusunod:

  • Mga problema sa pagsasalita, wika, at pag-uugali
  • Mga kapansanan sa pagkatuto at attention deficit disorder (ADD)
  • Mga problema sa pag-uugali

Ano ang Lead?

Ayon sa American Academy of Pediatrics:

  • Ang lead ay isang natural na elementong hindi napipira-piraso sa mas maliliit na bahagi (hindi nabe-break down) sa kapaligiran, at mahirap itong linisin
  • Hindi bababa sa 4 na milyong bahay na may nakatirang mga bata ang exposed sa matataas na antas ng lead
  • Mahalaga sa pag-iwas sa lead toxicity ang pagtukoy at pag-aalis ng mga pangunahing dahilan ng exposure sa lead
  • Ang mga batang may mga senyales ng pagiging lampa, pagkabalisa, o pagiging matamlay at antukin ay maaaring nagpapakita ng mga senyales ng problema sa central nervous system (CNS) na puwedeng agad na mauwi sa pagsusuka, pagkatuliro, at kombulsyon

Walang ligtas na antas ng lead

Inirerekomenda ang pagsusuri kung:

  • Nakatira ka o madalas kang bumibisita sa isang bahay o apartment na ginawa bago ang 1978
  • Nakatira ka o madalas kang bumibisita sa isang bahay o apartment na nire-remodel o inaalisan ng pintura
  • May kapatid o kalaro sila na kasalukuyang nakakaranas o dati nang nakaranas ng lead poisoning
  • Nakatira sila kasama ng sinumang nagtatrabaho sa lugar na posibleng may lead o may hobby na gumagamit ng lead
  • Nakatira sila malapit sa isang aktibong lead field, battery recycling plant, o iba pang industriya na malamang na naglalabas ng lead
  • Sumusubo o kumakain sila ng mga bagay na hindi puwedeng kainin, gaya ng mga natuklap na pintura o dumi

Dapat isagawa ng iyong primary care physician (PCP) ang mga sumusunod:

  • Magsagawa ng lead blood test sa mga bata edad 12 - 24 buwan
  • Magsuri ng mga bata edad 2 - 6 na taon
  • Magtanong tungkol sa peligro ng iyong anak sa lead poisoning sa bawat pagbisita mula edad 12 - 24 na buwan

Mga Source:

Icon ng Makipag-ugnayan sa Amin

Kailangan ng tulong? Narito kami para sa iyo.

Makipag-ugnayan sa Amin
Huling Na-update Noong: 12/4/2020
On Feb. 21, 2024, Change Healthcare experienced a cyber security incident. Any individuals impacted by this incident will receive a letter in the mail. Learn more about this from Change Healthcare, or reach out to the contact center at 1-866-262-5342. ×