Mga Pagsusuri
Makakatulong ang mga pagsusuri na matukoy ang mga sakit bago pa man magkaroon ng anumang sintomas ang isang tao. Matutukoy ng dalawang pagsusuri ang mga cancer na nakakaapekto sa kababaihan. Ang mga ito ay pagsusuri sa breast cancer at cervical cancer. Nakakaligtas ng buhay ang mga pagsusuring ito. Kayang mahanap ng mga ito ang mga cancer bago pa kumalat ang mga ito. Kung mas maagang matutukoy ang sakit, mas madali itong malulunasan.
Magpasuri para sa Cervical Cancer
Ang cervix ay ang dulong ibabang bahagi ng uterus. Kadugtong ito ng vagina. Dahan-dahang nade-develop ang cancer sa cervix. Marami ang walang senyales.
Makakatulong ang mga Pap test para maiwasan ang cervical cancer. Naghahanap ang mga ito ng mga cell na puwedeng magamot bago maging cancer. Puwede ring makahanap ang mga ito ng mga senyales ng cancer nang maaga para pigilan ang pagkalat nito.
Puwede Kang Mailigtas ng Mammogram
Maraming babae ang nagkakaroon ng breast cancer kada taon. Humigit-kumulang 40,290 ang namamatay dahil rito. Mas malamang na magkaroon ka ng breast cancer kung ikaw ay:
- May ina o kapatid na babae na nagkaroon ng breast cancer
- Unang niregla bago ang edad 12
- Hindi na nireregla pagkalampas ng edad 55
- Hindi kailanman nagkaroon ng anak, o nagkaroon ng anak pagkalampas ng edad 30
- Sumailalim na sa mga radiation treatment sa iyong dibdib
Tulungan ang Iyong Pamilya na Magbawas ng Timbang.
Parami nang parami ang nagkakaroon ng mga problema sa timbang. Makipag-usap sa iyong doktor kung sobra ang timbang mo o ng isang miyembro ng pamilya. Kung sasabihin ng iyong doktor na kailangan mo o ng iyong anak na magbawas ng timbang, puwedeng makatulong ang mga tip na ito:
Buntis Ka Ba?
Pangangalaga Habang Nagbubuntis at Pagkatapos na Pagkatapos Manganak
Mahalagang bahagi ng malusog na pagbubuntis ang pangangalagang natatanggap mo habang ikaw ay buntis. Mahalaga ang prenatal na pangangalaga. Sumali sa aming prenatal program.
Pakitawagan ang 1-866-635-7045 (TTY 711).