In the event of an emergency or natural disaster, Wellcare is committed to helping you continue to access care easily.
In a time of crisis, we will:
- Payagan ang mga benepisyo ng plano sa Part A at Part B at mga suplemental na benepisyo ng plano sa Part C na maibigay sa mga tinukoy na hindi kinontratang pasilidad (tandaan na ang mga benepisyo sa Part A at Part B ay dapat na ibigay ng mga pasilifdad na sertipikado ng Medicare, alinsunod sa 42 CFR §422.204(b)(3))
- Buong ipinagpapaliban, mga kinakailangan para sa mga referral ng gatekeeper kapag naaangkop
- Pansamantalang ibaba ang wala sa network na halaga ng bahaginan-sa-gastos na inaprubahan ng plano sa halaga ng bahaginan-sa-gastos na nasa network
- Ipagpaliban ang kinakailangang 30 araw na abiso sa mga nagpapatala basta't nakakatulong sa nagpapatala ang lahat ng mga pagbabago (gaya ng pagbabawas sa halaga ng bahaginan-sa-gastos at pagpapaliban ng awtorisasyon)
- Binibigyang-daan kang mag-fill ng mga gamot nang mas maaga kaysa sa karaniwan para matiyak na mayroon ka ng mga kailangan mo sa panahon ng emergency
Magkakabisa ang mga pagkilos na ito hanggang sa matapos ang panahon ng pagdedeklara ng emergency. Ang Mga Sakuna/Emergency ay maaaring ideklara ng Pamahalaan ng U.S., ng Pederal na Ahensya sa Pamamahala ng Emergency (Federal Emergency Management Agency, FEMA), o ng Gobernador ng anumang estado.
Sa karaniwan, kaklaruhin ng source na nagdeklara ng sakuna kung kailan matatapos ang sakuna o emergency. Gayunpaman, kung hndi pa rin matatapos ang timeframe ng sakuna o emergency sa loob ng 30 araw mula sa inisyal na pagdedeklara, at kung wala pang tinukoy na petsa ng pagtatapos ang Mga Center para sa Mga Serbisyo ng Medicare at Medicaid (Centers for Medicare & Medicaid Services, CMS) para sa sakuna o emergency, babalik na kami sa normal na operasyon pagkalipas ng 30 araw mula sa inisyal na pagdedeklara.