Ang mga Medicare Prescription Drug Plan (PDP) ay kilala rin bilang Medicare Part D. Ang Medicare Part D ay isang programa ng pamahalaan na nagbibigay ng insurance sa lahat ng kuwalipikado sa Medicare Part A at/o naka-enroll sa Medicare Part B.
Kapag handa na kayong pumili ng plano, maglaan ng oras sa pag-unawa kung paano gumagana ang mga plano. Sa ganitong paraan, makakagawa kayo ng matalinong pasya at mapipili ninyo ang plano na tama para sa inyo.
Iba-ibang Gamot ang Sinasaklaw ng Iba-ibang PDP
Ang pederal na pamahalaan ay may mga partikular na alituntunin para sa mga uri ng mga gamot na dapat naming saklawin at minimum na pamantayan ng mga benepisyong dapat naming sundin.
Ang bawat plano ay may pormularyo (isang listahan ng mga saklaw na gamot) na nakakatugon sa mga kinakailangang ito ayon sa hinihingi ng batas. Tandaan, hindi lahat ng plano ay magkakapareho. Puwedeng mag-iba-iba ang mga ito pagdating sa gastos o mga partikular na gamot na saklaw.
Kung mag-e-enroll ka sa isang Medicare Part D na plano, pakitingnan ang pormularyo ng plano para matiyak na matutugunan nito ang mga pangangailangan mo sa saklaw sa inireresetang gamot.
Kung Mayroon Kang Kasalukuyang Medicare Advantage na Plano
Kung may kasamang saklaw sa inireresetang gamot ang iyong Medicare Advantage Plan at sumali ka sa isang Medicare PDP, madi-disenroll ka sa iyong Medicare Advantage Plan at ibabalik ka sa Orihinal na Medicare kasama ng iyong Medicare PDP.
Multa sa Nahuling Pagpapatala sa Saklaw sa Gamot ng Medicare (Part D)
Ang multa para sa nahuling pagpapatala ay ang halagang idinaragdag sa inyong buwanang premium sa plano ng gamot ng Medicare (Part D). Puwede kayong pagmultahin para sa nahuling pagpapatala kung may panahong wala kayong saklaw sa gamot ng Medicare o iba pang kinikilalang pagsaklaw sa inireresetang gamot sa loob ng 63 araw o higit pa pagkatapos magwakas ng inyong inisyal na panahon ng pagpapatala. Sa pangkalahatan, kailangan ninyong bayaran ang multa hangga't mayroon kayong saklaw sa gamot ng Medicare.
Pagdating sa Saklaw, Mayroon Kang Mga Opsyon:
- Puwede kang makakuha ng saklaw sa inireresetang gamot ng Medicare sa pamamagitan ng Medicare PDP (Part D).
- Puwede kang mag-sign up para sa isang Medicare Advantage na plano (HMO o PPO) o iba pang planong pangkalusugan ng Medicare na nag-aalok ng saklaw sa inireresetang gamot ng Medicare.
Mas Malaking Matitipid. Mas Malawak ang Saklaw. Serbisyo sa Pangangalaga.
- Nag-aalok ang Wellcare ng mga planong idinisenyo para tulungan ang mga kuwalipikado sa Karagdagang Tulong (Low Income Subsidy) kung saan posibleng magkaroon ng mga libre o mababang premium at copay ang mga miyembro kapag nakatala sila.
- Available din ang mga planong may mababang premium sa lahat ng estado kung saan umaabot nang hanggang $0 ang mga copay kapag nag-fill sa mga preferred na parmasya
- Nag-aalok din ang Wellcare ng mga planong walang deductible, ibig sabihin, magsisimulang saklawin ng plano ang mga gastos sa inireresetang gamot sa unang araw pa lang
- Available ang libo-libong parmasyang nasa network sa buong bansa kabilang ang mga pambansa, panrehiyon, at lokal na branch, mga grocer at mga independent na parmasya sa komunidad
- Nakikipagtulungan kami sa mga preferred na parmasya para makatulong na makatipid ng pera ang mga miyembro. Kasama sa mga preferred na parmasya sa aming network ang maraming kilalang pambansa at panrehiyong retailer. Gagamitin ninyo ang aming tool na
Humanap ng Provider para maghanap ng preferred na parmasyang pinakamalapit sa inyo
Handang tumulong sa iyo ang mga kinatawan ng Serbisyo para sa Miyembro kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa iyong pagsaklaw o mga gamot. Para sa kumpletong listahan ng mga gamot na saklaw ng aming plano, pakitawagan ang Serbisyo sa Customer.