Skip to main content

Pumili ng Iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga

Mahalaga ang Inyong Doktor ng Pangunahing Pangangalaga (PCP) sa Inyong Pangangalagang Pangkalusugan

Makakatulong na magkaroon ng mabuting ugnayan - at mabuting komunikasyon - sa isang doktor na pinagkakatiwalaan at inaasahan mo. Binabantayan ng iyong PCP ang pangkalahatang kalusugan mo, at inirerekomenda niya ang tamang pangangalaga sa tamang oras para mapanatili kang malusog. Narito ang ilang tip para masulit mo ang pagpapatingin mo sa iyong PCP, para makahanap ng angkop para sa iyo, at para maunawaan kung anong mag uri ng mga doktor ang puwedeng maging PCP mo.

Sundin ang isang Checklist:

  • Palaging dalhin ang inyong ID card ng miyembro sa Wellcare at ipakita ito sa iyong pagbisita.
  • Kung nagpapatingin ka sa isang bagong PCP, ipapadala ang iyong mga medikal na talaan mula sa dati mong PCP.
  • Magdala ng listahan ng lahat ng iyong mga gamot - pati ang mga vitamin at herbal na remedyo. Tiyaking suriin ang mga ito kasama ng iyong PCP. Posibleng may mas magagandang opsyon na puwede ninyong talakayin.
  • Magdala ng listahan ng lahat ng iyong mga tanong at alalahanin. Isa-isahin ang mga ito, at bumuo ng plano tungkol sa kung paano tutugunan ang mga ito.
  • Maging tapat at mabusisi. Kailangang malaman ng mga doktor ang lahat ng tungkol sa iyo para matulungan ka nila. Huwag mahihiya. Palaging papanatilihing pribado ang impormasyong ibabahagi mo.
  • Kumuha ng kopya ng mga oras ng negosyo at mga numero ng telepono. Alamin kung saan tatawag kapag may emergency.

Paghahanap sa Tamang PCP

Sa WellCare, puwede kang pumili ng bagong PCP anumang oras. Baka gusto mo ng PCP na malapit lang sa bahay mo. Baka gusto mo ng PCP na alam mong mas makakaunawa sa iyo. Nasa iyo ang desisyon.

1. Pag-isipan ang mga bagay na "dapat ay mayroon kayo"

  •  Kailan nasa tanggapan ang doktor? Available ba ang mga appointment sa gabi at tuwing weekend?
  • Ilang doktor ang on call kung sakali mang magka-emergency?
  • Naa-access ba ng may kapansanan ang pasilidad?
  • Kumbinyente at available ba ang transportasyon?
  • Gusto mo ba ng malapit na tanggapan?
  • Mas gusto mo ba ng mga lalaki o babaeng doktor?
  • Gusto mo ba ng doktor na nagsasalita ng wikang maliban sa English?

2. Magtanong-tanong
May PCP ba ang inyong mga kaibigan at kamag-anak na pinagkakatiwalaan at inirerekomenda nila? Alamin kung ang PCP ay kabilang sa network ng provider
ng inyong plano at tumatanggap ng mga bagong pasyente.

3. Tingnan ang direktoryo ng provider
Para makahanap ng PCP, gamitin ang aming tool na Maghanap ng Provider.

4. Iiskedyul ang inyong unang pagpapatingin
Tumawag para magpa-appointment. O di kaya, hayaan kaming tulungan kayong magpa-appointment. Puwede ninyo kaming tawagan sa numero sa likod ng
inyong ID card ng miyembro ng Wellcare.

5. Kilalanin ang bago ninyong doktor
Magtanong tungkol sa kanyang karanasan. Tiyaking komportable kayo sa inyong doktor.

Sino ang Puwede Ninyong Maging PCP?

Baka gusto ninyong isaalang-alang ang mga doktor mula sa sumusunod na tatlong pangunahing kategorya. Kwalipikado ang lahat na maging PCP ninyo:

  1. Mga General Practitioner/Physician (GP)
    Ginagamot ng GP ang mga pasyente, anuman ang kanilang edad at isyung pangkalusugan. Ang uri ng doktor na ito ay maaaring isang Doctor of Medicine (M.D.) o Doctor of Osteopathic Medicine (D.O.). Ire-refer ng mga GP ang isang pasyente sa isang espesyalista kung kailangan ng karagdagang paggamot.
  2. Mga Family Practitioner/Physician
    Ang mga PCP na ito ay katulad ng mga GP. Puwede rin silang gumamot ng mga isyu sa kalusugan na posibleng mangailangan ng pagpapatingin sa espesyalista. Halimbawa, puwedeng magpatingin ang mga bata sa isang pediatrician. Puwedeng magpatingin ang mga kababaihan sa isang OB/GYN.
  3. Mga Internist
    Dina-diagnose at ginagamot ng mga PCP na ito ang mga nasa hustong gulang na may mga sakit at disorder sa mga internal organ. Kadalasan silang may espesyalidad sa mga hindi gumagaling o pangmatagalang kondisyon.

Magsimulang bumuo ng mas magandang ugnayan sa inyong PCP ngayon. Kung kailangan ninyo ng tulong sa paghahanap ng tamang PCP para sa inyo, makakatulong kami. Tawagan kami sa numero sa likod ng inyong ID card ng miyembro ng Wellcare.

Mga Kapaki-pakinabang na Dokumento

Please complete this form with your provider if you want to change your PCP. Your provider will then send this form to your health plan, letting them know about the change.

Icon ng Makipag-ugnayan sa Amin

Kailangan ng tulong? Narito kami para sa iyo.

Makipag-ugnayan sa Amin
Y0020_WCM_100876E Huling Na-update Noong: 10/1/2022