Tinatanggap ang Wellcare sa mahigit 60,000 parmasya sa network sa buong bansa. Kabilang sa aming network ang malalaking chain na parmasya, mga independent na retail na parmasya, mga mail-service na parmasya, mga parmasya para sa pangmatagalang pangangalaga, mga parmasya para sa home infusion, at mga parmasya ng Indian Health Service/Tribal/Urban Indian Health Program (I/T/U).
Bilang isang miyembro, puwede mong kunin ang iyong mga reseta sa anumang parmasyang nasa network. Gayunpaman, puwedeng mas mababa ang halagang babayaran mo kung kukunin mo ang iyong reseta sa CVS/Caremark mail-service pharmacy, na nag-aalok ng preferred na hatian sa gastos kumpara sa isang retail na parmasya sa network na nag-aalok ng karaniwang hatian sa gastos. May ilang parmasya na parehong nag-aalok ng mga retail at mail-service. Kung kukunin mo ang iyong reseta sa isang retail na parmasya na nag-aalok ng mail-service, puwedeng maging iba ang co-pay mo.
Puwede kang mag-sign up para sa awtomatikong mail service na paghahatid. Puwede mong ipadala ang mga resetang gamot sa iyong tahanan sa pamamagitan ng aming naka-network na programa ng mail-service na paghahatid. Matatanggap mo ang iyong mga inireresetang gamot sa loob ng 7-10 araw ng negosyo pagkatapos matanggap ng parmasya para sa mail-service na paghahatid ang order. Kung hindi mo natanggap ang iyong mga inireresetang gamot sa loob ng panahong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa 1-866-808-7471 o bisitahin ang Saklaw ng Wellcare sa Parmasya para sa Pag-o-order sa Mail.
Kung kukunin mo ang reseta mong gamot sa isang kalahok na parmasya, kakailanganin mo lang na ipakita ang iyong Wellcare ID card. Ikaw ang dapat magbayad para sa anumang kinakailangang gastos mula sa sariling bulsa o out of pocket expense ayon sa iyong benepisyo sa Part D.
Nakikipagkontrata ang Wellcare sa mga parmasyang nakakatugon o di kaya'y nakakahigit sa mga kinakailangan ng Centers for Medicare and Medicaid Services (CMS) para sa access sa parmasya sa iyong lugar. Ang mga benepisyaryo ay dapat gumamit ng mga parmasya sa network para ma-access ang kanilang benepisyo sa inireresetang gamot. Puwedeng mabago sa Enero 1 ng kada taon ang mga benepisyo, pormularyo, network ng parmasya, premium at mga copayment/coinsurance.
Kung hindi available ang isang parmasya na nasa network, maaaring kailangan mong gumamit ng isang parmasya na wala sa network para kunin ang iyong mga reseta. Ang isang parmasya na wala sa network ay isang retail na parmasya, parmasya para sa pangmatagalang pangangalaga, parmasya para sa home infusion, o parmasya ng ITU na wala sa network ng plano mo.
Bilang patakaran, sinasaklaw lang ng iyong plano ang mga inireresetang gamot na kinuha sa mga parmasya sa labas ng network kung hindi ka makagamit ng parmasyang nasa network dahil sa alinman sa mga sumusunod:
- Maaaring magbago anumang oras ang pormularyo, network ng parmasya, at/o network ng provider. Makakatanggap ka ng abiso kapag kinakailangan.
- Walang parmasya na kasali sa network kapag bumiyahe ka sa labas ng iyong pinagseserbisyuhang lugar
- Inireseta ang saklaw na gamot para sa isang medikal na emergency o agarang pangangalaga, pero hindi mo agad makuha ang iyong inireresetang gamot sa isang parmasya sa network dahil walang malapit na parmasya sa network na bukas nang 24 na oras
- Wala nang stock ng saklaw na gamot ang anumang parmasya sa network sa iyong lugar
- Hindi makukuha ang saklaw na gamot (kabilang ang mga gamot na mahal at/o espesyal) sa CVS Caremark Mail Service Pharmacy o AcariaHealth pharmacy dahil wala nang stock ng gamot o anumang iba pang dahilan
- Binakunahan ka ng bakunang saklaw ng iyong plano sa klinika ng isang doktor
Pakitandaan na kahit na makapagbayad kami para sa mga saklaw na inireresetang gamot sa isang parmasya sa labas ng network, puwede ka pa ring magbayad nang mas malaki kumpara sa babayaran mo kung kinuha mo ang iyong mga inireresetang gamot sa isang parmasyang nasa network.
Para makatanggap ng reimbursement para sa bahagi namin sa gastos mo, kakailanganin mong magsumite ng Form ng Direktang Pag-reimburse sa Miyembro. Ipadala sa mail ang sinagutang form ng Direktang Pag-reimburse sa Miyembro kasama ang isang label ng reseta o printout mula sa parmasya at isang resibo mula sa cash register para sa iyong saklaw na inireresetang gamot sa:
Wellcare Reimbursement Department
PO Box 31577
Tampa, FL 33631-3577
Babasahin namin ang form ng Kahilingan ng Direktang Pag-reimburse sa Miyembro at magsasagawa kami ng inisyal na desisyon tungkol sa pagsaklaw sa labas ng network. Ipoproseso ang iyong kahilingan batay sa iyong saklaw sa benepisyo at aabisuhan ka tungkol sa resulta. Kung matutugunan ang mga kinakailangan ng aming patakaran sa Direktang Pag-reimburse sa Miyembro, ire-reimburse ka sa “in-network na nakontratang rate ng anumang pumapayag na provider” sa halip na presyo sa cash na kakaltasan ng anumang naaangkop na co-pay. Ibig sabihin, babayaran mo ang copay/co-insurance na kailangan mong bayaran sa ilalim ng iyong plano, pati na ang magkukulang sa pagitan ng presyo sa cash at allowance ng plano kung ang presyo sa cash ay mas mataas kaysa sa nakontratang rate.
Kung isa kang benepisyaryo sa Low-Income Subsidy (LIS), ang kakulangan sa out-of-network ay babayaran ng CMS (ibig sabihin, ang nalalapat lang na copay ng LIS ang babayaran mo).
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa amin.
Matuto pa tungkol sa mga pagpapasya at pagbubukod sa pagsaklaw sa website ng Mga Center para sa mga Serbisyo ng Medicare at Medicaid (Centers for Medicare and Medicaid Services, CMS).